Sunday, April 9, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "KATANUNGANG WALANG KATAPUSAN" ni Alexx Dela Ysla Pagcaliwagan

 


Published by: Bianca Madeline Oloya

Date published: April 9, 2023

Time published: 9:27 AM


Kategorya: Tula

Tema: Inspirasyon, pangungulila


Sa kanilang mga katanungan,

Hustisya ba ay na saan,

Hidwaan ba ay magaganap—

Sa pamilyang watak-watak,


“Hindi mo ba kayang itaas,"

Ang gradong kay hirap i-angat;

Ngunit bakit ang mga mata ay hindi patas,

Sa lahat ng aking mga dinaranas—


“Bakit ayaw mong gayahin ang kung sino,”

Paano ko maitataas kung ako'y ikinukumpara nyo,

Sa mga taong ninanais nyo na maging ako—

Pero bakit may pagsisisi na ako'y isinilang sa mundo,


“Wala ka na bang magawang matino,”

Oh, kadalasan kong madinig—

Bakit lagi nalang ako,

Gayong dumaranas ako ng hirap at sakit—


Bakit kay hirap intindihin,

Na ako'y nalulungkot rin—

Mahirap nga ba akong tanungin,

Sa problemang tinutuldukang akin—


Tiwala sa sarili nawawala;

Makakaya ko pa kaya—

Gayong wala ng naniniwala,

Sa lahat ng maaari kong magawa,


Amang Diyos nasa aking tabi,

Ano man ang sa buhay ko ay mangyari,

Luhang nagmalisbis, kanyang papahirin,

Pagpapahingahin ang pagod na damdamin,


Kinabukasang kay ganda ay masisilayan—

Ng may ngiti sa labi at lalaban,

Kahaharapin ang problemang darating,

Sapagkat batid kong aking kakayanin—


Mga katanungang walang katapusan,

Akin ng bibigyan ng kasagutan,

Pag-ibig sa sarili aking natutunan,

Upang huwag umantras sa digmaan—


Digmaan kung saan magulang ang kalaban,

Dahil sa kawalan ng tiwala sa kakayahan ng anak—

Ngunit patuloy na ipamamalas ang aking kakayahan,

Upang ako ay maging suportado nyo kahit saan.

No comments:

Post a Comment