Sunday, April 9, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "MAAARI BA" ni Alexx Dela Ysla Pagcaliwagan


Published by: Aliyah Margareth Imbat

Date Published: April 9, 2023

Time Published: 1:35 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pag-ibig, pangungulila


    Mga ala-alang sa akin bumabalik,

    Nagsimula na naman ang aking pagtangis—

    Maaari ka bang sa akin ay bumalik?

    Nang pangungulila ko ay mapatid—


    Maaari ba kitang mahawakan?

    Kahit huling hagkan lamang,

    Sapagkat nais lamang kita na masilayan—

    Ngunit ako ay pinagkakaitan,


    Maaari mo ba na pakinggan ang aking

    rason?

    Baka sakaling mawala ang lason—

    Lason na nagsisilbing salita galing sa 

    mga tao,

    Mga haka-hakang pinaniwalaan mo,


    Maaari ba akong humiling?

    Pag-asa, sa akin ay ihain—

    Pangalawang pagkakataon ay nais

    makamit,

    Kahit ang kapalit ay sakit,


    Kahit minuto, ako ay pagbigyan,

    Sa paghahayag ako ay hayaan,

    Nais lamang malinis ang aking ngalan,

    Pagtapos, kamay niya ay iyo nang 

    hawakan.

No comments:

Post a Comment