Sunday, April 9, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "SA MULING PAGKIKITA" ni Alexx Dela Ysla Pagcaliwagan


Published by: Aliyah Margareth Imbat

Date Published: April 9, 2023

Time Published: 12:58 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagmamahal


Hindi ko alam kung saan magsisimula—

Pero bakit ko nga ba ito ginagawa,

Kay hirap bigyang pamagat ang ating kwento,

Sapagkat hindi ko alam kung ano ang dulo—


Dulo na matatawag na katapusan,

Katapusang hindi na kayang tuldukan,

Aking panulat na nawalan na ng tinta,

Sa tulang walang katugma-tugma—


Para saan pa ang salitang "Paalam",

Gayong maliit ang mundong ginagalawan,

Sapat na ba ang hiwalayang napag-usapan,

Upang pawiin ang sakit na nararamdaman—


Araw na ikaw sa akin ay lumisan,

Nagbigay bigat sa nararamdaman—

Oh, kay dami raming katanungan,

Bakit kailangan mo pa akong iwan?


Mundo ko iyong inikutan, ikaw ay pinahalagahan,

Sa pagmamahal ito ay aking tinumbasan,

Ngunit bakit ‘di mo kayang tugunan—

Ang lahat ng aking nararamdaman,


Tatapusin na ang tulang walang kabuluhan,

Sapagkat ang taong dahilan ay lumisan;

Ikaw na lamang ay dumaan sa aking buhay,

Hanggang sa muling pagkikita, munting kaibigan.









No comments:

Post a Comment