Published by: Kassandra Aman
Date Published: September 28, 2023
Time Published: 3:10 PM
Kategorya: Dagli
Paksa: Katatakutan
Alas-tres ng madaling-araw nang ako ay biglang nagising mula sa isang tinig na tumawag sa aking ngalanβππ¦π³π¦π΄π’. Inaamin ko na bahag ang aking buntot sa mga oras na iyon dahil ako lamang ang tao sa tinutuluyan kong dormitoryo na nakatayo sa tabi ng isang sementeryo. Hindi ko mawari kung saan nanggaling ang boses. Patay rin ang mga ilaw; na nagdagdag ng kaba sa akin.
Mayroon akong naaninag na anino sa bintana. Itoβy nakatayo at tila baβy nakatingin sa akin. Dali-dali kong kinuha ang kumot sa ilalim ng aking kama at pilit ko itong inaabot nang biglangβ
Mayroong humawak sa aking kamay.
Naramdaman ko ang mga kuko nito na kay tulis at haba. Akoβy napasigaw. Inalis ko agad ang aking kamay roon. Tinignan ko ang aking kamay at ito ay mayroong bahid ng dugo. Napag-isipan ko na umalis at lumabas sa aking kwarto nang mabilis upang bumaba mula sa ikalawang palapag. Ngunit nang ako ay umalis, muli akong hinawakan.
Sa pagkakataong ito, dalawang kamay na ang humawak sa akin. Hinigpitan ng mga kamay na iyon ang kapit sa aking mga binti at bigla ako nitong hinila. Akoβy nawalan ng balanse. Napadapa sa sahig at tuluyan na ako nitong nahila papunta sa ilalim ng aking kama na kay dilim na kung saan, wala na akong makita pa.
At alas-tres ng madaling-araw nang akoβy biglang nagising dahil sa paulit-ulit na tunog na π΅πͺπ―π¨ na nililikha ng aking relo.
No comments:
Post a Comment