Monday, September 18, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Mithiing Kalayaan” ni Ace Erasmus Yambot


Published by: Akira Joy Gabion

Date Published: September 18, 2023

Time Published: 10:03 AM


Kategorya: Tula

Tema: Kawalan ng kalayaan at kaligtasan


Hindi natin maikakaila

na milyong inosenteng tao na

ang mga nawala nang parang bula.

At ang ilan naman ay natagpuan nang walang buhay.

Kung kaya’t nararapat nating isabuhay

ang lahat ng katotohanan—

Dahil hindi ito isang pag-aalsa,

kundi isang pagbibigay impormasyon sa masa.

Pati na rin ang mga katiwalian

at kamalian ay nararapat nating malaman.


Hindi rin ito isang uri ng kamalian,

sapagkat ito ang nagpupunan

ng ating mga pagkukulang sa kaalaman,

at isipan—

na ating magagamit

upang ating makamit

ang kaunlaran at kapayapaan.


Hanggang ngayon 

ay inaasam pa rin ng karamihan.

No comments:

Post a Comment