Published by: Akira Joy Gabion
Date Published: October 11, 2023
Time Published: 12:14 PM
Kategorya: Tula
Tema: Lihim na pagsinta
Pasulyap-sulyap sa dibdib ay may kaba
Ayaw mahalata na baka siya'y makita
Malaon nang nakakintal sa puso niya
Lihim na pagtingin kanyang nadarama
Sa pagtulog niya napananaginipan
Kahit ang mukha ay ‘di malilimutan
Kung pintor lamang siya, mailalarawan
Kayang iguhit kahit nakapikit man
Ganito pala ang lihim na pagsinta
Masaya ang puso, masigla tuwina
Sapat na sa kanya na minsan lang makita
Ang taong sa isip na hinahangaan niya
Sa kasalukuyan siya ay nagkakasya
Sa patingin-tingin dahil may hangad siya
Ang matapos muna ang pag-aaral niya
Kaya’t ang paghanga ay isasantabi muna
At hindi naman tiyak kung siya na raw
Ang ukol sa kanya pagdating ng araw
Pamukaw-sigla na lang sa araw-araw
Upang ang pangarap ay hindi matunaw
No comments:
Post a Comment