Thursday, November 9, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Pagkadurog Muli" ni Ace Erasmus Yambot

 


Published by: Marino Peralta

Date Published: November 9, 2023

Time Published: 8:10 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pagtangis at paglimot sa mga alaalang nararapat nang ibaon sa limot


Alam kong hindi na ako—

Hindi na ako ang nasa iyong puso

at ang namamalagi sa iyong isip.

Matagal ko nang nakikita’t nararamdaman,

Pero pilit kong ayaw paniwalaan.


Tila ba’y nawalan na ng liyab

ang iyong pusong dati’y nagbabaga,

Na ngayo’y nanlalamig na.

Hindi ko lubos na maisip kung paano

ako muling tatayo at magsisimula nang wala ka.


Marahil ay hindi lamang naging sapat

ang pundasyon ng ating pagmamahalan.

Kung kaya’t ngayon—

Pinipilit kong limutin ang mga alaala

na nakakubli sa bawat sulok ng aking puso’t isipan.


O’ kay lupit talaga ng tadhana,

Dahil akala ko’y ikaw ang makapagbibigay

ng sapat na rason upang ako’y lumigayang muli,

Ngunit napagtanto ko sa huli

na poot at hinagpis

ang madarama kong muli.



No comments:

Post a Comment