Dibuho ni Jairus Kristan Samudio
Inilathala ni: Angel Pelleja
Petsang Inilathala: Nobyembre 27, 2023
Oras na Inilathala: 10:34 AM
Ang pagbibigay ng kritisismo, komento, at paglalahad ng katotohanan ay ilan sa gawain ng isang mamamahayag–ngunit lahat ng iyan ay nagiging dahilan upang sila ay walang awang paslangin sa serbisyong kanilang ginagawa. Kailangan ba na laging buhay ang kapalit ng pagiging isang mamamahayag?
Tila ba ang pagpaslang sa mga mamamahayag ng walang awa ay isang normal na lamang na pangyayari sa ating lipunan. Simula noong 1986, makikita sa datos ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na tinatayang 199 mamamahayag na ang napaslang dahil sa kanilang trabaho [1]. Sa halip na bigyan ng kalayaan na magpahayag ng katotohanan ang mga peryodista ay tila ba tinatanggalan na sila ng karapatan sa ating bansa.
Sa isang report ng CNN, si Juan Jumalon, isang ๐ณ๐ข๐ฅ๐ช๐ฐ ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต na mas kilala bilang “DJ Johnny Walker” ay binaril habang siya ay nasa ๐ญ๐ช๐ท๐ฆ ๐ด๐ต๐ณ๐ฆ๐ข๐ฎ sa kanyang programa na 94.7 Gold FM noong Oktubre 29, 2023, Linggo ng umaga. Sa pagsisimula ng programa, isang lalaki ang pumasok sa ๐ด๐ต๐ถ๐ฅ๐ช๐ฐ, binaril siya at inagaw pa ang kuwintas nito [2].
Ang pagpatay ay walang pakundangan at mabilis na nangyari. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na maipagtanggol ni Juan ang kanyang sarili dahil isa siyang PWD na gumagamit ng saklay sa paglalakad. Dala-dala ang masayahing boses tuwing umaga na bumabati sa mga tao ay hindi na ito maririnig pa. Ito rin ay hindi nagsasalita ng masama sa kahit sino at kailanman, kahit noong siya pa ay nangampaniya, kung kaya’t di mo maiisip na may taong nanaising paslangin siya.
Noong nakaraang taon lamang, isang peryodista naman na si Percival Mabasa o mas kilala sa pangalan na Percy Lapid ang binaril ng dalawang lalaki na naka-motorsiklo sa isang ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ถ๐ด๐ฉ na nangyari noong Oktubre 3, 2022 [3]. Siya ay kilala bilang isang mamamahayag na nagbibigay ng komento at kritisismo sa Dating Pangulo, Rodrigo Duterte at ang kasalukuyang pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang dalawang kaso na ito ay nagpapakita ng karumal dumal na pagpatay sa mga mamamahayag—ang nais lamang nila ay maghatid ng totoong balita at magbigay ng kritisismo at komento sa mga sitwasyong pang-masa subalit walang pakundangan ang pagpaslang sa mga peryodista ng bansa.
Napakarami ang maaaring maituturing na dahilan ng mga kasong pagpaslang sa mga tagapagbalita. Ayon sa ulat ng UN News, ilan lamang sa mga ito ay ang pag-uulat ng mga sensitibong paksa na tumatalakay sa korapsyon, krimen sa kapaligiran, pang-aabuso sa kapangyarihan at mga protesta [4].
Nararapat na pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang tungkol sa malayang pamamahayag at ang hustisya para sa lahat ng kasong pagpaslang sa mga mamamahayag. Itigil na ang pagkitil sa buhay ng mga mamamahayag at unawain ng bawat isa na hindi sila mga kalaban, kundi mga peryodista.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Bolledo, J. (2022, July 23). IN NUMBERS: Filipino journalists killed since 1986. https://www.rappler.com/nation/numbers-filipino-journalists-killed-since-1986/
[2] Magramo, K. (2023, November 5). Filipino radio host shot dead while live streaming at his home. https://edition.cnn.com/2023/11/06/asia/philippines-radio-host-juan-jumalon-killed-intl-hnk/index.html
[3] Cho, K.K & Enano, J.O. (2022, October 5). Ambush killing of journalist underscores threat to Philippines press freedoms. https://www.washingtonpost.com/world/2022/10/05/philippines-percy-lapid-death/
[4] UN NEWS. (2023, January 17). Killings of journalists up 50 per cent in 2022: UNESCO. https://news.un.org/en/story/2023/01/1132507
No comments:
Post a Comment