Disenyo ni: Heart Magbanua
Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Nobyembre 23, 2023
Oras na Inilathala: 4:40 PM
Kategorya: Tula
Paksa: Pagpapatawad
Natisod, nadapa; hindi ko sinasadya.
Mariin akong napapikit,
habang nilulunok ang katotohanang mapait;
Nangyari na ang nangyari.
Alang-alang sa ating tahanan,
kailangan na natin itong kalimutan.
Ang mundong ginagalawan—
hindi mabilang ang kasalanan.
Parang isang singaw na sa pagdaka'y mawawala,
Talim ng pag-ibig, palalampasin ko na,
Ang pagkakataong hinihintay,
Matatanggap mo kaya?
Sapagkat hindi na nakagalaw.
Gusto ko nang umalis.
Tayo'y may gulang na,
Panahon na upang gumawa ng mga bagong alaala.
Tayo'y mga paru-paro sa himpapawid,
Pumapagaspas papalayo sa mapait na kasaysayan at mga balakid.
No comments:
Post a Comment