Wednesday, January 10, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Sulyap ng bagong panimula” ni Harold Matthew B. Caminto

 


Inilathala ni: Simoun Jarred Erpilo

Petsang Inilathala: Enero 10, 2024

Oras na Inilathala: 8:20 am


Kategorya: Tula

Paksa: Bagong Taon


Sa panibagong panimula,

Habang dinig ang hiyawan ng mga bata,

Ating tanggapin–

At sulyapin ang nakababagong kabanata.


Sa makulay na pagsilay,

Tara't sulitin ang selebrasiyon.

Sindihan na ang mga tala,

Gabi'y pailawin ngayong bagong taon.


Mapugay sana ng ingay,

Mga paghihirap ng nakaraan.

Sa pagsapit ng ika-unang araw–

Ating hangarin ang bagong pagkakataon.


Walang hadlang, istoryang hangad ay dito mamumunga,

Tayo'y di na maghihirap, sagana sa ligaya,

Ang pag-asa'y sumisiklab, umaawit ng bagong araw.


Tila'y sa selyo ng bagong pahina,

Himlay ng ating pangarap ay buklatin.

Ang pagbabagong lihim na nakaukit sa ating tadhana,

Sa palad natin ay nakatanim–

At naghihintay lamang na ating mapansin.


Imahe ni Marc Rusmir Del Monte



No comments:

Post a Comment