Thursday, March 21, 2024

𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡: " Hanggang sa Huli" ni Asliah Baute

 

Inilathala ni: Marino Peralta

Petsang Inilathala: Marso 21, 2024

Oras na Inilathala: 9:00 AM


Kategorya: Tula

Tema: Nakakapagod na pagmamahalan



Gusto kong ialay ang mundo sa'yo,
At payukuin ang sanlibutan sa mga paa mo.
Ikaw ang palaging takbuhan at tahanan,
Sa mga puntong mga mata'y luhaan. 
Ang mga labi ko'y pangalan mo lamang ang alam.

Hindi ko mawari saan ko sisimulang hagilapin at pulutin ang sarili ko nang ikaw ay lumisan. 
Mahirap mahulaan kung saan ako aabutin
ng aking walang-sawang pangamba at walang kapantay na pag-aantay sa pagbabalik mo. 

Tila natigil ako ng banggitin mong napapagod 
ka na sa pagmamahal na handog ko.
Sinisinta, sa mga mata mo na lamang
ako nakakakita ng pag-asa.
Kakatwa na ikaw ang tanging pahinga ko,
at ako ay siyang gulo sa katahimikan mo.

Hayaan mo, sa paglisan mo hindi ka pipigilan, bagkus hihilingin ko sa mga tala na sana'y maghilom ang mga sugat na ako ang siyang dahilan, 
At sana'y huwag mo akong kalimutan,
dahil ikaw ay mananatili sa aking puso't isipan hanggang kamatayan.

IMAHE GALING SA:

[1]. Ager Charlotte. (n.d.). Charlotte Ager Illustration. https://charlotteager.co.uk/the-peace-of-wild-things

No comments:

Post a Comment