Larawan ni Stephanie Delos Santos
Disenyo ni Samantha Kier Olazo
Inilathala ni: Akira Joy Gabion
Petsang Inilathala: Marso 21, 2024
Oras na Inilathala: 12:45 PM
Kategorya: Tula
Paksa: Pagpapalaya
Nilibot natin ang pasyalang puno ng sansaglit na alaala.
Sumakay tayo sa magdadala sa atin sa tuktok.
Naupo ka sa tabi ko.
Nang unang beses nating narating ang tugatog.
Hinawakan mo ang aking kamay.
Hindi ko nabilang kung ilang beses ang pag-ikot.
Hanggang sa sinabi mong:
“Narito na tayo sa katapusan ng mga pansamantalang ligaya.”
Ramdam kong bumitaw ka na
noong nasa kalagitnaan pa lamang tayong dalawa.
Hindi na maibabalik ng kahit na anumang ikot
At pagbalik sa mga tugatog ang dating kulay ng ating pagsinta.
No comments:
Post a Comment