Monday, March 25, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Kababaihan" ni Ashlyn Regado

 



Disensyo ni Misha Mikylla Sanchez

Inilathala ni: Ayanna Jeane Salmorin 

Petsang Inilathala: Marso 25, 2024

Oras na Inilathala: 9:11 AM 


Kategorya: Tula

Tema: Imahe ng Kababaihan 


Kabigha-bighani ang kanilang kagandahan—

Mapa-anong edad man.

Maaari natin silang makita sa trabaho man o tahanan;

Sila'y maaaring anak, kapatid, tiya, lola o ina—

Nagsisilbing liwanag ng pag-asa.


Sa mga nagdaang panahon,

Marami ang kanilang kinaharap na diskriminasyon,

Ngunit hindi ito naging hadlang upang sila'y bumangon,

Pinatunayan nila ang kanilang sarili upang makaahon—

Mananatili silang inspirasyon ng nasyon.


Hindi sila pasisiil—

Sa pag-angat ay hindi papipigil,

Ang kanilang sipag at tatag—

Sa pagsikat o paglubog man ng araw ay maaaninag—

Walang kasukat ang kanilang banaag.


Ang kanilang pagkalinga ay walang katumbas sa lahat—

Ito ay tila limbag o marka na sa iyo ay tatatak;

Na iyong hahanap-hanapin sa buong sansinukuban.

Kung kaya't sila'y protektahan at pahalagahan—

Dahil sila ay ang Kababaihan.

No comments:

Post a Comment