Disenyo ni: Jessie Claire Gozun
Inilathana ni: Dianna Grace Carina
Petsang Inilathala: Ika-11 ng Marso, 2024
Oras na Inilathala: 7:30 AM
Kategorya: Tula
Tema: Pagharap sa takot at pangamba
Maaring mamawis ang ating mga kamay;
O kaya'y ang ating malay sa katawan ay mahiwalay—
Dulot ng kaba at lalim ng pagpapalagay,
Sa puntong katakutan na natin ang pagsubok sa buhay
Ngunit mahalagang paalala—
Hindi makakatulong ang purong paghihinala;
At ang pasalansang mga salita,
Ito ay pagharang sa mga oportunidad at pagpapala
Minsan kailangan din nating harapin ang mga pangamba;
Sa mga sinasabe ng iba'y huwag magpadala—
Tumayo ka at ang pagkabalisa ay harapin;
Sa takot at pagdududa ay huwag magpa-alipin
Nawa'y ito na ang panahon na sa iyo ay mag-uudyok—
Upang huwag manatili sa isang sulok
Sa mga hamon at pagkakamali ay matuto;
Nang sa gayon ay magwagi na sa mga balakid at pagkabigo

No comments:
Post a Comment