Monday, April 29, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Sampung minuto" ni Eric Aguirre


Larawan ni Jill Dolfo

Inilathala ni: Marino Peralta

Petsang Inilathala: Abril 29,  2024

Oras na Inilathala: 8:50 AM


Kategorya: Tula

Tema: Kababatang estranghero


Binilang ko ang bawat saya,
Na ating nagawa.
Umabot ito ng sampu—
Ngunit, Ito ba'y tama?

Simulan natin ito,
sa pambungad na introduksyon—
Ang sayang 'di makalimutan,
dahil nakaukit na sa isipan.

Natatandaan kita kaibigan
Nu'ng panahong ako'y mag isa.
Ang landas nating nagtapo.
Sa lugar na masaya.

Tirik ang araw,
Sumisipol ang hangin,
Nagsasayawan ang mga kapunuan
sa gitna ng katanghalian.

Ikaw ay lumapit,
Sa upuan kong maliit,
Sabay tanong—
"Gusto mo bang sumali?"

Ako'y natuwa,
at tumugon—"Tara!"
Ang malungkot na sandali,
Napalitan ng masayang ngiti.

Naglaro sa ilalim ng arawan,
Pawis ay nasilabasan,
mga libag nagsilitawan,
at paang walang kapaguran.

Lumipas ang sampung minuto,
Natapos na ang kasiyahan.
Kailangan ng lumisan,
pero 'di pa kayang iwanan.

Ngunit, kailangan ng umalis
at mag pa-alam.
Sa batang aking nakalaro,
sa ilalim ng arawan.

Ang sampung minuto,
ay hindi totoo.
Dahil ibinigay mo sa akin
ang sayang pang isang siglo.

Hanggang pag tanda—
ito'y mananatili sa'king isip
Para sa aking nakalaro
sa loob ng sampung minuto.




No comments:

Post a Comment