Monday, May 6, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Ang Walang Hanggan" ni Asliah Baute

 


Disenyo ni: Jessie Claire Gozun

Inilathala ni: Lean Miguel Tizon

Petsang Inilathala: Mayo 6, 2024

Oras na Inilathala: 12:57PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagtatapos ng isang pagmamahalan, pagkalimot at pagkamuhi. 


At sa paglipas ng mga araw na wala
ng ikaw at ako, wala na ang dating tayo,
Naghahalo ang pagsisi at saya sa puso ko.
Nagagalak ka siguro sa kalayaang ibinigay ko?
O, nararamdaman mo rin ang kulang na espasyo sa tabi mo?

Hindi ko itatangi, nangungulila pa rin ako sa presensya mo, hinahanap ka pa rin ng mga mata ko.
Pero ang desisyon na putulin koneksyon natin—
Ay isa sa pinakamasayang desisyon ko,
Dati sinisinta kita, ngayon kinamumuhian na kita.
Hindi na ito ang pagmamahal na sinabi mong hangang dulo.

Nagiba at nag-iba na ang tiwala natin sa isa't isa,
Hindi ko masabing limot ko na pinagsamahan natin dalawa. Pero aaminin ko, tinatangi pa rin kita.
Nakakatuwa dahil kung sino pa ang naunang nangako ng walang hangan ay s'ya ring unang lumisan, tinalikuran mo pagmamahalan na inalay mo gumulo lang tayo panandalian, nakakatampo ka.

Nauna kang nangako ng walang iwanan,
Ngunit Ikaw din ang unang nang iwan,
Nanatili ako nag antay ng pagbabalik mo.
Hangang dulo, hangang sa natutunan ko ng
wag ng ipilit natapos nating kwento.
Masaya na ako para sa'yo, para sa inyo.
Huwag ka ng bumalik, mahal ko na ang sarili ko.


PINAGKUHAAN NG IMAHE:

Tutt’Art, Z. B. (1972). Figurative painter.  https://www.tuttartpitturasculturapoesiamusica.com/...

No comments:

Post a Comment