Monday, May 6, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: ''Mama, Para! Tayo'y Lalaban pa!'' ni Francis Arman Mesa

 


Inilathala ni: Ayanna Jeane Salmorin

Petsa Inilathala: Mayo 06, 2024

Oras na Inilathala: 8:21 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pakikiisa sa pagbabasura ng 'puv' modernisasyon


Sa bawat pagtakbo,

sa bawat paghagod ng gulong,

minsan nang naisigaw kasabay ng hangin,

''Mama, Para!''


Sa bawat sulok ng kalsada'y masisilayan,

ang sinasabing hari ng daan.

Sa bawat patak ng ulan, at init ng araw,

makikita mo pa ring sa kalsada'y naglalakbay.


Kaya't sa bawat pag-arangkada,

sa bawat yugto ng pakikiisa,

ang jeepney ay hindi lamang sasakyan,

kundi alaala ng bayan.


Mga tinig ay nag-iisa,

hindi lamang para sa sasakyan,

kundi para sa buhay, ng kabuhayan.

Sa pagtindig, sabay-sabay, ipinaglalaban ang ating karapatan.

No comments:

Post a Comment