Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Agosto 12, 2024
Oras na Inilathala: 10:00 AM
Kategorya: Tula
Paksa: Pagmamahal sa Wikang Filipino
Ang wika’y parang halimuyak tuwing dapithapon,
kasabay ng paglipad at paghuni ng ibon,
Huwag sanang kalimutan ang kanyang tinig,
at sa wikang mapagpalaya patuloy na makinig.
Ang tunog ng wika’y tila musika ng pag-ibig,
na sa bawat pag-awit, may pusong nasasabik.
Kung ang sariling wika’y hindi mo pinapansin,
Parang pag-ibig na sa hangin, naglalaho sa dilim.
Huwag nating hayaang maglaho sa gabi,
ang wikang ating minamahal.
Ipaglaban natin ang tinig, sa bawat pagkakataon.
Sa pag-ibig at paggalang, ito'y mananatili mapagpakailanman.
No comments:
Post a Comment