Thursday, August 8, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Wikain" ni Harold Matthew B. Caminto

Ipinaskil ni: Michelle Piquero

Petsang Inilathala: Agosto 12, 2024

Oras na Inilathala: 7:31 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pagpapahalaga at pagdiriwang sa ating wika


𝐁uwis sa dugo, ang wikang bumabalik sa ating bibig.

𝐔mangat man ang kultura, ang bahid ng sakim ay laging nandiyan.

𝐖alang takas; tayo'y nasagip ng impluwensya.

𝐀t tila nawalan ang ating mga dila ng lalim

𝐍ang tayo'y sinimulang sakupin.


𝐍gunit sa ilalim ng pagbihag,

𝐆inhawa'y hatid ng ating wika.


𝐖agas na ipagdiwang,

𝐈paliwanag bilang Pilipino ang kasaysayan ng bayan.

𝐊ilalanin natin muli ang ating kultura,

𝐀t hangarin ang karangalang hatid ng ating pambansang wika.



No comments:

Post a Comment