Inilathala ni Xenon Linsie Espeleta
Disenyo ni Paul Adrian Aguilar
Petsang inilathala: Setyembre 24, 2024
Oras inilathala: 7:14 AM
Nakamit ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) ang kanilang unang tagumpay laban sa Unibersidad ng Ateneo de Manila 74-64, sa UAAP Season 87 na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kabila ng mahigpit na laban, nagbukas ang pagkakataon para sa Growling Tigers na lumamang sa huling bahagi ng laro. Tumira ng tres si Crisostomo, habang isang matinding dakdak naman mula kay Kyle Paranada ang nagtapos ng laban sa pabor ng UST.
Pinamunuan ni Mo Tounkara ang opensa para sa Growling Tigers matapos itarak ang 16 na puntos mula sa 14 na rebounds, dalawang assists, isang steal, at isang block. Bukod dito, hindi rin nagpapahuli si Gelo Crisostomo at bumanat ng 16 na puntos, kasama ang 10 rebounds, isang assist, isang steal, at isang block.
Para sa Blue Eagles, nagsalpak si Josh Lazaro ng 18 puntos, na may 10 rebounds, apat na assists, isang steal, at block. Bilang karagdagan, kumolekta si Shawn Tuano ng 13 puntos, habang nag-ambag si Kristian Porter ng 10 puntos at siyam na rebounds.
Ayon kay Pido Jarencio, punong tagapagsanay ng UST, "Ang lahat ay nakasalalay sa mga manlalaro. Sa akin, guidance lang kami sa mga players at ang mga players ang nagpanalo ng laro. Nagsimula kaming mabagal; nung first half, mabibigat ‘yung paa.”
Ngayon, magkatabla na ang Growling Tigers at ang Unibersidad ng De La Salle Green Archers.
Noong nakaraang laban, huling nagwagi ang Growling Tigers laban sa Blue Eagles noong ika-26 ng Setyembre, 2015, na nagtapos sa iskor na 68-58.
MGA SANGGUNIAN:
GMA News. (2024, September 11). UST defeats Ateneo for the first time after nine years. GMA News Online.
https://www.gmanetwork.com/.../uaap-season-87.../story/....
Valencia, J. (2024, September 12). UAAP Men’s Basketball: UST breaks 9-year drought vs Ateneo. Tiebreaker Times
https://tiebreakertimes.com.ph/.../uaap-mens.../312386
No comments:
Post a Comment