Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Setyembre 24, 2024
Oras na Inilathala: 9:00 AM
Muling hinamak at pinatawan ng pagkakapiit ang dating tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque ng House Quad Committee noong Huwebes, ika-12 ng Setyembre taong 2024 sa pagtitipon ng ika-19 na sesyon ng kongreso.
Inisyuhan ng pagkakapiit bilang parusa si Roque hanggang sa siya ay mag sumite ng mga dokumentong nagpapatunay na wala siyang kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na patuloy na nag oopera sa Pilipinas.
Ang mga dokumento kabilang ang statement of Assets, Liabilities, at Net Worth (SALN) ni Roque ay mahalagang maipasa niya upang mapatunayan na hindi talaga nakinabang si Roque sa kita ng POGO ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro.
"Inilalagay ko ang mungkahi na tayo ay magpataw ng kalapastanganan kay Harry Roque dahil sa pagtanggi niyang isumite ang mga dokumentong saklaw ng subpoena duces tecum na kanyang ipinahayag na isusumite sa komiteng ito." ani ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na inaprubahan naman ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers.
Samantala, natagpuan ng mga operatiba ang pirma ni Roque sa mga dokumento ng Lucky South 99 nang salakayin ito sa Porac, Pampanga.
“Sa mata ng QuadCom, ako ay nagkasala. Hindi makikinig ang QuadCom sa aking panig ng kwento. Gusto lamang ang kanilang sariling bersyon ng kwento. Stick to the plan ang kanilang motto,” ani ni Roque
Sa kabila nito, paulit-ulit na iginiit ni Roque na wala siyang ugnayan at hindi siya konektado sa POGO.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Mendoza, J. E. (2024, September 13). Harry Roque cited in contempt, ordered detained anew. INQUIRER.net. https://globalnation.inquirer.net/.../harry-roque-cited...
[2] Outsource Accelerator. (2023, December 7). Philippine offshore gaming operators (POGO) | Outsourcing Glossary | Outsource Accelerator. https://www.outsourceaccelerator.com/.../philippine.../
[3] Gulla, V. (2024, September 12). Harry Roque cited in contempt anew by House quad comm for failure to submit docs. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/.../harry-roque-cited-in...
No comments:
Post a Comment