Petsang Inilathala: Septyembre 21, 2024
Oras ng Inilathala: 7:20 AM
Kategorya: Tula
Tema: Pangarap na hindi naabot dahil sa Pamilya.
Sa dilim ng gabi ang nag a-alab kong pag sinta sa nabilanggong pangarap. Sa daang dapat ko ngayo’y tinatahak—ang nais na mithiing hindi natupad. Ang inaasam na maabot ang ulap ng tagumpay, Ang pamilyang dapat ay taga suporta’t taga gabay. Pumipigil, hinahatak ako pababa, Sinasabi na sa gustong pangarap ay walang mapapala. Para sa akin naman daw ito, at para sa kinabukasan at sa buhay na ikagaganda. Paulit-ulit sa isipan ang mga tinig ng pagtutol, Wari’y ang mga salita ay lubid na sa puso ko’y naka buhol. Hindi kayang tanggalin ng maliit kong kamay, Ang nakagapos na sakit na pa unti-unti akong hinihimay. Sa daang hindi ko madadaanan, sa gubat ng larangan. At sa isip ko’y tinatahi na lamang ang sugat, tinatakpan ang kirot. Inaalis sa damdamin ang nabuong hinanakit at poot. Tila isang ibon na naka kulong sa hawla ng sariling pamilya, Subalit sa kabila ng lahat ng ito’y hahanap ako ng susi upang lumaya.
No comments:
Post a Comment