Wednesday, September 4, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: ''Kaibigan ang Kalaban ng Bayan'' ni Francis Mesa


Ipinaskil ni: Michelle Piquero

Petsang Inilathala: Setyembre 4, 2024

Oras na Inilathala: 12:20 PM


Kategorya: Tula

Tema: Paghihimok sa mas makatarungan at tapat na pamumuno.


Sa ilalim ng makulay na palamuti ng kapangyarihan,

ang salapi'y dumadaloy mula sa palad ng ilan sa mga namumuno.

Nabubusog ang mga bulsa ng mga walang pusong mang-aagaw.

Nagiging mitsa ng kapangyarihan na tila walang hanggan.


Ang kuwento niya'y may larawan ng matapat na kaibigan,

mga pahinang puno ng tapang at kabutihan,

ngunit sa likod ng mga kwento, may sakit at kapintasan,

isang simbolo ng lihim na katiwalian.


Sa bawat pahina, ang tunay na nagwagi ay siya,

sa akdang nakaukit ang pangalan na nangangampanya.

Sa bawat lihim na pagdungis sa ating pag-asa,

na nagiging ulap ng pagdududa sa abot ng mga mata.


Sa wakas, ang mga pahina’y maghuhubad ng maskara,

ang kuwento ay magiging salamin ng alon ng kapalaran,

kung saan ang bawat lihim ay lilitaw,

at ang mga anino ng nakaraan ay muling magbubukas ng ilaw.

No comments:

Post a Comment