Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano
Petsang Inilathala: Septiyembre 01, 2024
Oras na Inilathala: 6:57 AM
Tubig sa La Mesa Dam ay lagpas ๐ด๐ฑ๐ช๐ญ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ญ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ na ayon sa ulat ng ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ต๐ฎ๐ฐ๐ด๐ฑ๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ช๐ค, ๐๐ฆ๐ฐ๐ฑ๐ฉ๐บ๐ด๐ช๐ค๐ข๐ญ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ด๐ต๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ฐ๐ฎ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ๐ด ๐๐ฅ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ (PAGASA) noong Miyerkules, Agosto 28, matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng hanging Habagat at ang lebel ng tubig ay inaasahang tataas pa.
Ayon sa huling tala noong 5:30 ng umaga, ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay umabot na sa 80.16 na metro, lagpas sa 80.15 na metrong ๐ด๐ฑ๐ช๐ญ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ญ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ.
Ani ni Edgar Dela Cruz, isang dalubhasa mula sa ๐๐บ๐ฅ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ต๐ฆ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ญ๐ฐ๐จ๐บ ๐๐ช๐ท๐ช๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ธ๐ฆ๐ข๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ง๐ข๐ค๐ช๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ฆ๐ด ng PAGASA, sa isang panayam, ang pag-apaw ng nasabing dam ay bahagya lamang subalit pinapayuhan pa rin ang mga residente, lalo na yaong mga nakaranas na ng pagbaha sa nakalipas, na manatiling handa.
Alinsunod dito, nagbigay babala na rin ang PAGASA sa mga inaasahang lugar na maaapektuhan ng pagtaas ng tubig sa ilog Tullahan.
"๐๐ข๐ต๐ฆ๐ณ ๐ง๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐๐ข ๐๐ฆ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฎ ๐ช๐ด ๐ฆ๐น๐ฑ๐ฆ๐ค๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ต๐ฐ ๐ข๐ง๐ง๐ฆ๐ค๐ต ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ญ๐ฐ๐ธ-๐ญ๐บ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ฆ๐ข๐ด ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ถ๐ญ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐๐ช๐ท๐ฆ๐ณ ๐ง๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐๐ถ๐ฆ๐ป๐ฐ๐ฏ ๐๐ช๐ต๐บ (๐๐ข๐ช๐ณ๐ท๐ช๐ฆ๐ธ, ๐๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ด๐ต ๐๐ช๐ญ๐ญ ๐๐ถ๐ฃ๐ฅ., ๐๐ถ๐ช๐ณ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ธ๐ข๐บ, ๐๐ต๐ข. ๐๐ถ๐ช๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ข, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ฏ ๐๐ข๐ณ๐ต๐ฐ๐ญ๐ฐ๐ฎ๐ฆ), ๐๐ข๐ญ๐ฆ๐ฏ๐ป๐ถ๐ฆ๐ญ๐ข (๐๐ณ๐จ๐บ. ๐๐ช๐จ๐ฐ๐ฏ, ๐๐ฐ๐ณ๐ต๐ฉ ๐๐น๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด๐ธ๐ข๐บ, ๐๐ข ๐๐ถ๐ฆ๐ณ๐ต๐ข ๐๐ถ๐ฃ๐ฅ.) ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฃ๐ฐ๐ฏ," saad ng PAGASA sa kanilang Facebook ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต.
Patuloy na magbabantay at magbibigay-ulat ang PAGASA sa iba't ibang lokal na pamahalaan ukol sa kalagayan ng dam.
MGA SANGGUNIAN:
Cotabato, L. (2024, Agosto 28). La Mesa Dam reaches spilling level amid monsoon rains. Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/.../la-mesa-dam-reaches...
La Mesa Dam reaches spilling level amid rains due to Habagat — PAGASA. (2024, Agosto 28). GMA Integrated News. https://www.gmanetwork.com/.../la-mesa-dam-nears.../story/
Ordas, C. J. (2024, Agosto 28). La Mesa Dam apaw na. Abante. https://www.abante.com.ph/2024/08/28/la-mesa-dam-apaw-na/
No comments:
Post a Comment