Inilathala ni: John Kurt Gabriel Reyes
Petsang inilathala: Agosto 29, 2024
Oras na inilathala: 3:56 PM
Kategorya: Tula
Paksa: Karapatan ng Kabataan
Mga matang nakapiring,
Taingang animo'y walang naririnig,
Sigaw nila'y tinuturing na guni-guni.
Boses ng pag-asa'y naririnig pa ba?
Bakit pilit binubusalan
Mga bibig na nagsasaysay ng katotohanan?
Pilit pinapatikom,
Mga tinig na ang hangad ay makatulong.
Diba dapat pakinggan sila?
Tinaguriang pag-asa ng bayan,
ngunit pa'no magiging pag-asa
kung sila mismo ang nawawalan ng pag-asa sa bayan.
Pilipinas, makakabangon pa ba?
O patuloy ibabaon ang kasaysayang nasa hukay na?
Pilit na tinatanggalan ng karapatan,
at patuloy binubulag ang mga matang naghahanap ng kasagutan.
Pilipinas, sa pagtaas ng bandila,
pag-asa'y masusumpungan pa ba?
Perlas, kumikinang ka pa ba?
o pagod ka nang bigyang liwanag ang mga matang nagbubulag-bulagan pa?
Pilipinas, ilalaban ka pa ba?
Lumalala na kasi ang sakit,
dumadaloy na sa utak at dugo
ang pagtratong hindi makatao.
Ubos na ata ang gamot,
hindi na kayang lunasan
ang sakit ng 'sangkatauhan.
No comments:
Post a Comment