Sunday, September 22, 2024

π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘: “Myx, ibinahagi ang tungkol sa kanyang HIV Diagnosis sa Drag Race PH” ni Francis Mesa

Inilathala ni: Clark Mariano

Petsang Inilathala: Setyembre 21, 2024

Oras na Inilathala: 


Ibinahagi ni Myx Chanel ang kaniyang pakikipaglaban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa ika-6 na episode ng ikatlong edisyon ng “Drag Race PH" na ipinalabas nitong ika-11 ng Setyembre.

Isiniwalat niya na siya ay na-diagnose na may HIV noong 2021. Sa kabila ng pagiging isang malaking pagsubok, ang kanyang pagsusuri ay idineklarang hindi nakakahawa at nangyari lamang sa loob ng anim na buwan mula ng siya ay ma-diagnose.

Binigyang-diin ni Myx sa kaniyang pag-amin na hindi ang sakit mismo, kung hindi ang takot na mahusgahan ng kapwa tao ang pinakamalaking balakid para sa mga taong may HIV.

“It’s not the disease that's killing anymore, It’s the fear of people to come out about it," aniya niya.

Ang paglalahad na ito ni Myx ay naganap matapos makatanggap ng magandang komento mula sa mga hurado sa kanyang pagganap bilang Glenda sa "AaWicked Kita The Rusical."

Ipinahayag niya rin na ang kaniyang personal na karanasan sa HIV ay isa sa mga dahilan kung bakit siya sumali sa kompetisyon.

Matapos umere ng nasabing programa maraming tao ang naki-simpatsa at nagbigay ng suporta at pagmamahal kay Myx, isa na rin dito ang kaniyang Drag Mother na si Eva Le Queen.

“My child, I have never been prouder. You are a gift to this world and an inspiration to many. I love you, Myx Chanel,” pahayag ni Eva.

Ayon kay Eva, ang pagiging tapat ni Myx sa kaniyang sarili ay nagbigay inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga taga-suporta kundi pati na rin sa iba pang mga kabataan na naglalakbay sa kanilang sariling pagtanggap at pag-unlad.

Inilahad ni Myx na ang kanyang layunin sa pagbabahagi ng kanyang personal na karanasan ay upang ipakita na may pag-asa at positibong pananaw sa buhay kahit sa harap ng mga pagsubok.

MGA SANGUNIAN:

Natividad, A. (Director). (2024, September 11) ‘’Drag Race Philippines’’ (Season 3, Episode 6). https://www.wowpresentsplus.com/.../season:3/videos/drp-306

Myx Chanel [@myxchanel]. (2024, September 12). ‘’In all honesty, I was so scared of putting that out there for all the world to know; for my status to be attached to basic info ppl know about me.’’ [Tweet]. https://x.com/myxchanel/status/1834505613352861769...

Lim, R.. (2024). ‘’Drag Race Philippines contestant Myx Chanel reveals HIV status’’ https://www.gmanetwork.com/.../drag-race.../story

Ms. Eva [@eva_lequeen]. (2024, September 12). ''Myx’s coming out about her status came as a shock to me at first. Ive known her and I never knew that about her until today. But maybe bec I need not to.'' [Tweet]. https://x.com/eva_lequeen/status/1833946033627562263

No comments:

Post a Comment