Sunday, September 22, 2024

π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘: “TOUCH of the Philippines: KATSEYE, bumisita at nagtanghal sa Manila” ni Lovie Angellyn Lasola




Inilathala ni: Clark Mariano

Petsang Inilathala: Setyember 21, 2024

Oras na Inilathala: 4:34 PM


Dumating na sa Manila ang multinational girl group ng HYBE na KATSEYE noong ika-17 ng Setyembre, para sa kanilang tatlong araw na pagdalo sa bansa para sa medya. Itinakda rin sa mismong araw ang media conference ng grupo sa Pilipinas na siyang naging simula ng iskedyul ng mga dalaga sa bansa.

Nagpahayag ang grupo ng kanilang pagkasabik sa pagbisita sa bansa sa mismong conference. Naging emosyonal ang grupo, lalo na para kay Sophia Laforteza, ang lider at nag-iisang Pilipinong miyembro ng KATSEYE, dahil nakabalik siya sa bansang tahanan niya.

“We’re so happy that she’s finally home and we get to see the Philippines and see where she’s from. Everyone’s been so nice to us, which is so heartwarming…for us,” ipinahayag ng miyembro ng KATSEYE na si Lara sa media conference.

Bukod dito ay napuri rin si Sophia ng kaniyang mga ka-miyembro sa kanyang pagiging maasikaso at maalahaning lider ng grupo.

“Sophia is the best leader ever. She always takes care of us, makes sure we’re doing okay. And whenever we’re upset or frustrated with something, we always go to her and she always helps us,” banggit ni Daniela ng KATSEYE.

Kinabukasan ay nagpakita ang KATSEYE sa palabas ng “ItΚΌs Showtime” noong ika-18 ng Setyembre, Miyerkules, kung saan itinanghal ng girl group ang kanilang sikat na kantang “TOUCH”.

Nakisaya sa mga nanonood ang singer-actress na si Carla Guevarra at ang kanyang asawa Godfrey Laforteza, na siyang mga magulang ni Sophie, habang nagpapakita ng suporta sa kanilang anak at grupo nito.

Sa mismong araw ng ika-6 ng gabi ay muling nagpakitang-gilas ang KATSEYE sa kanilang fan showcase na tinawag na “KATSEYE: Touchdown in Manila” sa Ayala Malls Market! Market! sa Lungsod ng Taguig.

Ang grupo ng KATSEYE ay nabuo mula sa isang reality survival show na “The Debut: Dream Academy” at nag-debut noong ika-28 ng Hunyo. Mula roon, nagsimulang sumikat ang grupo matapos ilabas ang kanilang hit song na “TOUCH”.

Ang Pilipinas ang pangalawang bansang hinintuan ng KATSEYE sa kanilang Asia Tour. Kasama sa kanilang tour ang pagbisita sa mga bansang tulad ng Japan at Korea.


No comments:

Post a Comment