Inilathala ni: Jielian Lobete
Petsang Inilathala: Setyembre 13, 2024
Oras na Inilathala: 2:05PM
Kategorya: Tula
Tema: Pribilehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.
Sa likod ng mga pader ng Unibersidad ng Pilipinas,
Doon, sa gitnang kaharian na puno ng karunungan.
Ang buwis ng mga nagsusumikap, nagkakasakit, nagdurusa,
ay nagiging pundasyon ng isang paaralang mahalaga.
Sa halip na nakalaan ang pribilehiyo sa mga nasa laylayan,
ito'y nakukuha pa ng mga danas ang karangyaan.
Ang tunay na halaga ng pagkakapantay-pantay,
ay nagiging papel na tinatapon sa hangin ng kasakiman.
Sa ngayon, para kanino nga ba ang UP?
Para nga ba sa pangarap na iaahon pa mula sa laylayan
o para sa mga may yaman—
na sa simula pa lamang mayroon ng
pribilehiyo na makapasok sa pribadong paaralan.
No comments:
Post a Comment