Friday, September 20, 2024

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Quiboloy, tumanggi sa mga paratang ng Human Trafficking sa korte" ni Bridget Berin


Inilathala ni: Xenon Linsie Espeleta

Disenyo ni: Ayris Celine Aqui

Petsang Inilathala: Setyembre 20, 2024

Oras na Inilathala: 6:35 AM


Naghain ng 'not guilty' sa korte ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na si Apollo Quiboloy, kasama ang kaniyang mga kapwa akusado na sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Jackielyn Roy, Sylvia Cemanes at Pauleen Canada sa kasong human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court Branch 159 noong ika-14 ng Setyembre.


Ilan sa mga hinaharap na kaso ni Quiboloy ay kwalipikadong Human Trafficking ayon sa Seksyon 4(A) ng Republic Act 9208. Ang kaso ay isinampa sa Pasig RTC Branch 159 noong Abril.


Isinaad ng punong legal na tagapayo ng KOJC, Israelito Torreon, na "not guilty" ang plea at wala na silang pahayag ukol dito dahil ang kaso ay nasa korte na.


Samantala, lima sa mga indibidwal na lumantad upang akusahan si Quiboloy ng pang-aabuso ang pumayag na ikuwento ang kanilang karanasan sa korte.


"Lima sa mga indibidwal, dalawa ang nagpasya na tumestigo. Ang tatlo ay nag-iisip pa," saad ni Davao City Police Chief Colonel Hansel Marantan, sa panayam ng Radyo DZBB.


Mananatili si Quiboloy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City habang hinihintay ang aksyon sa kaniyang kahilingan na siya ay sumailalim sa pisikal na pagsusuri.


Gayunpaman, ang mga kasamahan ni Quiboloy sa kaso ay mananatili sa Pasig City Jail, alinsunod sa utos ni RTC Branch 159 Judge Rainelda Estacio-Montesa.


PINAGMULAN NG LARAWAN:


[1] Reddit. (2024). Apollo Quiboloy, who has been wanted by the FBI for sex trafficking was finally located by authorities and arrested

ViralPH. https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/1feo7be/apollo_quiboloy_who_has_been_wanted_by_the_fbi/


MGA SANGGUNIAN: 


[1] Clapano, J.R (2024, September 14) Quiboloy pleads not guilty to Human Trafficking Raps — PHILSTAR https://www.philstar.com/headlines/2024/09/14/2385222/quiboloy-pleads-not-guilty-human-trafficking-raps/amp/


[2] Caliwan, C.J (2024, September 13) Quiboloy's 4 aides ordered transferred to Pasig Jail— PHILIPPINE NEWS AGENCY https://www.pna.gov.ph/articles/1233308


[3] Lopez, V. (2024, September 14) Quiboloy pleads not guilty: 2 of 5 victims to testify— Manila Standard

https://www.manilastandard.net/news/314496941/quiboloy-pleads-not-guilty-2-of-5-victims-to-testify.html



No comments:

Post a Comment