Disenyo ni: Ayris Celine Aqui
Inilathala ni: Annika Howie Quizana
Petsang Inilathala: Oktubre 30, 2024
Oras na Inilathala: 6:57 PM
Inanunsiyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng dalawang 𝘱𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘦𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯 ang Bulkang Taal sa Batangas noong Sabado, ika-19 ng Oktubre, kasabay ng pag-angat ng 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢 sa 𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘤𝘳𝘢𝘵𝘦𝘳 𝘭𝘢𝘬𝘦 ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, ang nasabing bulkan ay naglabas ng 1,256 na toneladang 𝘴𝘶𝘭𝘧𝘶𝘳 𝘥𝘪𝘰𝘹𝘪𝘥𝘦 𝘧𝘭𝘶𝘹 na tumagal ng 5 hanggang 9 na minuto ang pagsabog.
Umabot naman sa 1,500 metrong taas ang pagsingaw ng usok ng Bulkang Taal, na umabot sa timog-silangan. Dahil dito, idineklarang 𝘈𝘭𝘦𝘳𝘵 𝘓𝘦𝘷𝘦𝘭 1, o "𝘭𝘰𝘸 𝘭𝘦𝘷𝘦𝘭 𝘶𝘯𝘳𝘦𝘴𝘵," ng PHIVOLCS ang bulkan.
Ang 𝘱𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘦𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯 ay nangyayari kapag umiinit ang karagatan dahil sa 𝘷𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘪𝘤 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 at nagkakaroon ng pagkulo mula sa ibaba na sumisingaw pataas.
Maaaring mangyari ang 𝘱𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘦𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯 bago o habang nagaganap ang isang karaniwang pagsabog, na naglalabas ng abo at 𝘭𝘢𝘷𝘢. Kapag tumaas ang 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢, naaapektuhan nito ang 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥𝘸𝘢𝘵𝘦𝘳, na siyang nagiging sanhi ng 𝘱𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘦𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯.
Sa kasalukuyan, pinagbabawalan ang pagpasok ng mga sasakyang panghimpapawid sa 𝘱𝘦𝘳𝘮𝘢𝘯𝘦𝘯𝘵 𝘥𝘢𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘻𝘰𝘯𝘦 dahil sa pagsabog ng bulkan. May banta rin ng 𝘨𝘢𝘴-𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘱𝘭𝘰𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴 at pagbuga ng abo na maaaring magdulot ng panganib sa tao.
PINAGMULAN NG IMAHE:
[1] Taal Volcano in the Philippines | Traveler by unique. (n.d.). Traveler by Unique. https://traveler.byunique.com/article/122/taal-volcano-in-the-philippines
MGA SANGGUNIAN:
[1] EarthWord— Phreatic Eruption. (2017). United States Geological Survey. https://www.usgs.gov/news/science-snippet/earthword-phreatic-eruption#:~:text=A%20phreatic%20eruption%20is%20made,to%20steam%2C%20causing%20an%20explosion
[2] Taal Volcano had 2 phreatic eruptions —PHIVOLCS. (2024, Oktubre 23). GMA NEWS. https://www.google.com/amp/s/www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/924589/taal-volcano-had-2-phreatic-eruptions-phivolcs/story/%3famp
No comments:
Post a Comment