Monday, October 7, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Himig ng Aking Ligaya” ni Ella Venice P. Enteria


Disenyo ni: Misha Mikylla Sanchez 


Inilathala ni: Christine Mae Karunungan 


Petsang inilathala: Oktubre 7, 2024 


Oras inilathala: 10:40 AM 



 Kategorya: Prosa

Paksa: Kaligayahan na pakiramdam na nararanasan ng isang tao mula sa isang tao.



Himig. Ligaya. Sa bawat ngiti, tawa, at pagsasama na bumabalot sa akin—isang himig na nagbibigay ligaya. 


Napapaisip sa gitna ng kalawakan kung ikaw ba ay paborito ng Bathala. Kung bakit ikaw ay tila isang perpekto, tila isang musika, at tila isang mahika. Sa lahat ng katangian mo, paano napapawi ang aking kalungkutan sa simpleng himig mo lang?


Kasayahan ng mga sandaling pinagsaluhan. Sa saya nanaisin masilayan at muling madinig ang himig mo. Himig na malinamnam sa tenga kahit sa mapang-asar na tukso, nagbibigay liwanag sa madilim na kwarto. Sa sandali, lahat ng hapdi ay nakaligtaan at naalala naman na gumuhit ng espasyo para lamang sayo. Isang espasyong hindi ko kayang ipagkait dahil nagdudulot ito ng malaking ligaya.


Kasayahan na nag-iiwan ng marka sa labi patungo sa mata. Ibang saya. Ibang ligaya na lumalamang sa lebel ng nababasa sa libro, eksena sa pelikula o kahit pagbaba ng presyo ng paboritong gamit. Dahil nag-iba na. Sa himig mo na ang bagong punla ng ligaya. Kahit puno ng alinlangan, kapag himig mo na, ako’y naglalaan ng oras. Kahit matisod sa takot, ang aking ligaya ang nagpapakalma.


Sa himig mo, pwede bang panghabang buhay na ang ligaya na ito? Dahil kulang pa ang tatlong buwan kung ang aking ligaya ay panandalian lamang. Kahit bulong, hindi ako magsasawa pakinggan ang taglay na himig. Bulong na hindi nagpapaligaw sa abusado na gawain. Kundi nagpapamukadkad ng bulaklak na noon ay puro tinik lamang. 


Lumalangoy sa melodiya ng mga boses ng marami, ngunit sa himig mo lang sumisisid. Sapagkat uniko ang himig ng aking ligaya.

No comments:

Post a Comment