Friday, November 22, 2024

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗛𝗔𝗠:"Bulkang Kanlaon, muling nakikitaan ng matinding aktibidad" ni Matthew Hermoso Baluca

 


Inilathala ni: Lean Miguel Tizon

Petsang inilathala: Nobyembre 22, 2024

Oras na inilathala: 2:37 PM


Kapuna-puna ang pagtaas ng bilang ng 𝘷𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘪𝘤 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 sa Bulkang Kanlaon matapos nitong maglabas ng kabuoang 5,117 na tonelada ng asupre o 𝘴𝘶𝘭𝘧𝘶𝘳 𝘥𝘪𝘰𝘹𝘪𝘥𝘦 (SO₂) noong ika-4 ng Nobyembre, at magpakita ng iba't ibang senyales ng pagiging aktibo mula ika-5 ng Nobyembre, hanggang ika-9 ng Nobyembre.


Ayon sa pahayag na inilabas ng 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦 𝘐𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘝𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘰𝘭𝘰𝘨𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘦𝘪𝘴𝘮𝘰𝘭𝘰𝘨𝘺 (PHIVOLCS), isang "900-𝘮𝘦𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘢𝘭𝘭 𝘱𝘭𝘶𝘮𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘴𝘩" ang naibuga ng Bulkang Kanlaon noong Martes, ika-5 ng Nobyembre. Kasabay nito, naitala rin ang 8 𝘷𝘰𝘭𝘤𝘢𝘯𝘪𝘤 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩𝘲𝘶𝘢𝘬𝘦𝘴 habang namamaga pa rin ang 𝘦𝘥𝘪𝘧𝘪𝘤𝘦 nito.


Limang buwan lamang matapos ang huling pagputok ng bulkan noong Hunyo, nakitaan ng nasabing ahensiya ang pagtaas ng 𝘴𝘦𝘪𝘴𝘮𝘪𝘤 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 ng Bulkang Kanlaon.


Naitala ang 10 volcanic earthquakes noong Miyerkules, ika-6 ng Nobyembre, kung saan nag-abiso ang 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘋𝘪𝘴𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘙𝘪𝘴𝘬 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘊𝘰𝘶𝘯𝘤𝘪𝘭 (NDRRMC) ng Alert Level 2 para sa Bulkang Kanlaon, kung saan may posibleng pagbagsak ng 𝘢𝘴𝘩𝘧𝘢𝘭𝘭 patungo hilagang-silangan bandang 7:39 ng umaga.


Iniulat din ng PHIVOLCS ang pagtaas ng naitalang bilang ng volcanic earthquake noong Huwebes, ika-7 ng Nobyembre. Naging kapansin-pansin din ang pagtaas ng bilang ng lindol mula sa 8 na naunang naitala, hanggang sa 14 pagkalipas lamang ng ilang araw.


Isinaad din ng PHIVOLCS na nagkaroon ang nasabing bulkan ng 28 pagyanig at 3 𝘢𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘴 mula 12 ng tanghali ng Biyernes, ika-8 ng Nobyembre, hanggang 12 ng tanghali ng Sabado, ika-9 ng Nobyemre. Sa loob ng mga araw na nabanggit, ito ay naitalang naglabas ng 4,701 na tonelada ng asupre.


Dahil sa sunod-sunod na pagpaparamdam ng Bulkang Kanlaon, pinagbabawalan ang publiko at ang mga sasakyang panghimpapawid na pumasok sa apat na kilometrong 𝘳𝘢𝘥𝘪𝘶𝘴 ng 𝘗𝘦𝘳𝘮𝘢𝘯𝘦𝘯𝘵 𝘋𝘢𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘡𝘰𝘯𝘦 (PDZ) upang maiwasan ang mga panganib tulad ng 𝘴𝘶𝘥𝘥𝘦𝘯 𝘴𝘵𝘦𝘢𝘮-𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦𝘯 𝘰𝘳 𝘱𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘦𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 at iba pa.


Bagamat walang direktang banta ng pagsabog ang bulkan, patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS ang sitwasyon dahil kahit ang maliliit na pagyanig ay maaaring magdulot ng pagputok ng bulkan kung saan lahat ng nakapaligid dito ay maaapektuhan.


MGA SANGGUNIAN:


GMA INTEGRATED NEWS. (2024, Nobyembre 4). Bulkang Kanlaon Nagbuga ng 5177 tonelada ng asupre. [https://www.gmanetwork.com/.../phivolcs-bulkang.../video/

](https://www.gmanetwork.com/.../phivolcs-bulkang.../video/

)

GMA INTEGRATED NEWS. (2024, November 5). Kanlaon Volcano releases ‘voluminous’ plume. https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano.../story/

](https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano.../story/

)

GMA INTEGRATED NEWS. (2024, November 6). PHIVOLCS logs 10 quakes at Kanlaon Volcano. https://www.gmanetwork.com/.../phivolcs-logs-10.../story/

](https://www.gmanetwork.com/.../phivolcs-logs-10.../story/

)

GMA INTEGRATED NEWS. (2024, November 7). Kanlaon Volcano had 2 ashing events, 14 earthquakes. https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano-had.../story/

](https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano-had.../story/

)

GMA INTEGRATED NEWS. (2024, November 9). Kanlaon Volcano had 28 volcanic quakes, 3 ashing events - PHIVOLCS. https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano-had.../story/

](https://www.gmanetwork.com/.../kanlaon-volcano-had.../story/


No comments:

Post a Comment