Monday, November 11, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Kumusta, Selene” by Ma. Nicole Pierre P. Saban


 

Inilathala ni: Jielian Lobete

Petsang Inilathala: Nobyembre 11, 2024

Oras na Inilathala: 1:22 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagbibigay buhay sa mga saloobin na tanging sinasalita kapag mag-isa.

Mga lihim na pag-amin na binubulong sa ilalim ng buwan,
Malayang binibigkas sa likod ng takot na pilit kinakalimutan.
Kasama sa bugso ng hangin ang damdamin na luha ang dala,
Isang pagkakataon na ang kahinaan ay binibigyang-katwiran.

Ang hindi kakaibang pagkakakilanlan sa aking pagkatao,
Na lubos na pinipili na taguan ang lahat ng mga obligasyon.
Walang araw na lumilipas na hindi ko iniisip at binabalikan,
Ang antas kung paano ito’y tunay na nakakaapekto—

Habang nasa harap ng kalangitan at kumikislap na mga bituin,
Pinupukaw ang kalooban na hindi kailanman magbabago.
Parehong liwanag ay nagbibigay ng pag-asa sa akin,
Sa paraan na nagpaparamdam ng halaga ng aking tungkulin—

Dahil ang tanong kung kailan matatapos ang daan sa pangarap,
Kasama sinasabi na nakatadhana ang lahat ng ginagawa sa buhay.
Tanging ginhawa ang posibilidad ng magandang hinaharap,
Kung saan patuloy nagbibigay ng sunod-sunod na hirap.

Kaya't nakatuon ang mga mata kahit walang tiyak na direksyon,
Sa mga hakbang na patuloy na binigyan ng patutunguhan.
Ang lakbay na ito, kahit walang maiiwan na bakas sa lupa,
Sana'y tanungin pa rin kung ano ang naging kinaroroonan.







No comments:

Post a Comment