Disenyo ni: Edward Tabig
Inilatlaha ni: Michelle Piquero
Petsang Inilatlaha: Nobyembre 11, 2024
Oras na Inilatlaha: 1:02 PM
Kategorya: Tula
Paksa: Lihim na Pagtangi
Sa mundo ng pag-ibig, tila may hangganan,
Isang lalaking tila malayo ang kinaroroonan.
Nagsimula ang lahat sa ngiting abot tainga,
at sa mga nangungusap niyang mata.
Minahal ko siya,
minamahal ko siya.
Kahit sa puso'y may humihila,
may tinig na nagsasabing 'wag siya,
dahil sa dulo'y parang leron-leron sinta,
mababali ang sanga, sa taas ng kinalalagyan niya.
May mga oras na na ako'y naguguluhan,
ang damdamin ay umaapaw, ngunit hindi ko maisigaw.
Siguro hanggang ganito na lang talaga,
ganito ko siya nakatakdang mahalin.
Hindi maka-imik, hindi maibuka ang bibig.
Hindi naglalakbay, pero nariyan,
tahimik na nag-aantay.
PINAGMULAN NG IMAHE:
bian (2023) A Love So Beautiful. Pinterest
https://ph.pinterest.com/pin/17592254784612320/
No comments:
Post a Comment