Tuesday, November 19, 2024

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: "Munting Sabaw" ni Francis Dwayne Catalan


Inilathala ni: Marino Peralta 

Petsang Inilathala: Nobyembre 19, 2024

Oras na Inilathala: 7:00 AM


Kategorya: Tula

Tema: Minsan, ang tunay na kaligayahan ay nahahanap sa maliliit na bagay 


๐˜–, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ
Tulad ng isang gabi na walang bituin—
Puno ng kalungkutan, puno ng pangarap
Na tila napag-iwanan ng panahon.

Ngunit sa isang sandali, ako'y nakarinig
Ng isang kaakit-akit na himig mula sa kusina—Isang awiting hindi ko makakalimutan
Na umaalingawngaw sa gitna ng kadiliman.

Ako'y napaupo sa hapagkainan—
Tumingin kay Lolo
Nang ilapag niya sa harap ko
Ang kanyang niluto.

๐˜–, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ
๐˜•๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ!

Sa bawat pagsubo,
May matinding pagnanais
Na tila nagiging rason
Ng aking pahinga.

Ngunit bakit ang mga ulap
Ay walang-sawang bumubuhos ng tubig
Na tila hindi kayang maipaliwanag
Ang sanhi ng kalungkutan?

๐˜–, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ
๐˜š๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ!

Ngunit ang lamig ng mundo
Ay dahan-dahang natutunaw
Sa bawat patak ng init at ginhawa
Na dala ng hawak-hawak kong kutsara.

Ngunit bakit may mga sangkap
Na tila parang luha sa mga mata—
At sa isang tikim lamang
May taglay na alat at tamis ng buhay?

๐˜–, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ
๐˜•๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ช๐˜จ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ!

Marahil, hindi ko na kailangan pang maghanap
Ng mga sagot sa mga pangarap na malayo't mahirap abutin—
Sa halip, natutunan ko na ang lahat
Ay may takdang oras na pagdapo.

Tulad ng bukang liwayway
Sa isang mangkok ng sabaw—
Na tanging nagsisilbing dahilan
Ng aking pagbangon sa araw-araw.


No comments:

Post a Comment