Wednesday, November 20, 2024

π—žπ—’π—Ÿπ—¨π— : "Para sa Masa O sa Elitista?" By Coleen Anne Dolor


Dibuho ni: Irish Jane Abarca

Inilathala ni: Chloe Barcelona

Petsang Inilathala: Nobyember 20, 2024

Oras na Inilathala: 2:05 PM


Sa kasagsagan ng ating panahon, kung saan sira ang sistema ng edukasyon ng ating bansa, limitado lamang ang mga oportinudad sa kalidad na pag aaral. Kaya sa iba't ibang antas ng tao sa lipunan, maiging maintindihan na di rin pantay-pantay ang naibibigay na pagkakataon. Mayaman o mahirap, tunay nga na lahat ay nakararapat sa magandang edukasyon. Ngunit, di ito rason upang mapagsasamantalahan ng mga mas nakakataas ang oportunidad na inaalay para sa mga nasa laylayan ng lipunan.


Nag bigay ingay ang isyu ng "burgis sa UP" nang masimulan ang UP College Admission Test (UPCAT). ngayong 2024, nang mapansin ng mga netizens sa sosyal medya na ang ilan sa mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay mga taong nakakataas sa lipunan o ang slang na "burgis" na galing sa bourgeois na ibig sabihin ay middle class. Ito rin ay mapapatunayan ng data sa resulta ng  2024 Upcat na ngpapakita na 44% ng mga kwalipikado ay mga nagtapos sa private schools, 27% naman ay galing sa science high schools, at 29% lamang ang galing sa public schools [1].


Ang UP, bagamat isa sa pinakamataas na unibersidad sa pilipinas, ay isang pampubliko na paaralan. Kaya di nakakapag taka na maraming tao talaga ang hinahangad na makapasok sa prestihilyosong unibersidad na ito. Ngunit, ang nakakaligtaan ng iba, ay mayroong pang ibang unibersidad sa pilipinas na nag bibigay ng kalidad na edukasyon. Pagkakaiba lamang ay mga pribadong paaralan ito. Ang De LaSalle University, Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas, Adamson University at marami pang iba ay halibawa nito[2]. Kaya bakit pinipili ng mga taong kaya naman mag aral at makabayad sa mga unibersidad na ito, na pumasok sa unibersidad na para sa masa, ang tanging pag-asa ng mga ilang Pilipino na maiangat ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.


Dagdag pa rito ay ang buwis nating mga pilipino ang ginamit sa pag papaaral sa mga estudyante ng UP kaya't sila ay naturingan bilang "Iskolar ng Bayan" [3]. Kaya di ata tama na ang pera ng bayan ang nag babayad sa edukasyon ng mga taong kaya naman bayaran ang kanilang sariling pag aaral. Ito ay oportunidad na inialay para sa mga taong di kayang tustusan ang kanilang pag aaral, pero mga mabubuting estudyante na naipapakita ang kanilang kagalingan, sa gitna ng kahirapan.


Oo, lahat ng tao ay may karapatan makapili ng kanilang gustong pasukan na paaralan at di ang mga burgis ang pinagmulan ng probelma. Nungit kailangan nating Maintindihan na sa bulok na system edukasyon na uto, tayo bilang tao ang dapat may empatsya at kaalam sa kung ano ang tama at makabubuti para satin, at sa ating bansa. Hindi dapat natin pagsamantalahan ang sitwasyon na ito.


Dito ulit papasok ang katanungan na, ang UP nga ba ay para sa masa o para sa elitista? Sa isyung ito ay nabuklat di lamang ang isyu tungkol sa antas sa buhay ng mga estudyante ng UP, kundi pati na rin ang tila di maayos ayos na systema ng edukasyon sa ating bansa. Bilang mga taong may pribelehiyo, sana ay magakaroon ng simpatya at pag intindi sa masakit ma reyalidad ng buhay na hindi lahat ay nabibigyan ng pare parehong oportunidad, di lang sa edukasyon, kundi sa iba't ibang aspekto ng buhay.


MGA SANGGUNIAN: 

[1] INQUIRER.net (2024, June 27). Quo Vadis, UP?https://opinion.inquirer.net/174756/quo-vadis-up.

[2]4ICU.org (n.d.). Top Universities in the Philippines | 2024 University Rankings. https://www.4icu.org/ph/.

[3] Sanchez, K. (2013, March 18). Pera ng bayan, para sa iskolar ng bayan.https://www.philstar.com/.../pera-ng-bayan-para-sa....

No comments:

Post a Comment