Disenyo ni: Charisse Mae Suson Ardeza
Inilathala ni: Aprilyn Sado
Petsang Inilathala: Pebrero 5, 2025
Oras na Inilathala: 7:46 AM
Kategorya: Tula
Paksa: Kahirapan
Sa ilalim ng gabing malupit at madilim,
Ang mga kamay ay nagiging tanikala,
Ang mga mata’y naghahanap ng pag-asa,
Sa mga kalye ng kahirapan,
Mga krimen na kanilang sinusuong,
Hindi dahil sa kasakiman, kundi sa pangangailangan.
Nasa ilalim ng isang sistemang pighati,
Ang mga mahihirap ay ginugutom ng katarungan,
Ang gobyernong nagsusustento ng pangako,
Inaabuso ang gintong upuan,
pinapaikot ang mga mangmang na isipan.
Ang mga maliliit na krimen, hindi kabangisan,
Kundi isang sagot sa kumukulong tiyan.
Ang mga mahihirap, biktima ng labis na pasakit,
Ngunit kahit ang mga kamay na may galit,
ay hindi magtatama,
dahil ang taliwas kung minsan,
ay taliwas sa bukas na isipan.
Isa lang ang sigaw, sana ang mga makapangyarihan
ay matutong tignan ang mga sugatang kamay,
At ang puso ng sistema'y mangibabaw.
Sa mga patakaran ng isang mundong walang awa,
Sana’y matutong magbigay ang buwayang gutom,
Bago pa mawalan ng saysay ang bawat sigaw
Ng mga biktima ng hindi makatarungang sistema.
No comments:
Post a Comment