Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Marso 24, 2025
Oras na Inilathala: 10:30 AM
Sando, shorts, at pamaypay ang siyang kadalasang kasuotan. Tila ang pawis ay hindi lamang dahil sa stress kung hindi na rin sa init. Ngayong Marso hanggang Mayo mararamdaman ang Summer Season, kadalasang inilalarawan bilang nakakapasong mga araw dahil sa labis na init na dala bawat araw. Ang Summer Season ay isa sa dalawang panahon na nararanasan sa Pilipinas. Maliban sa init at panganib nitong dala sa labis na pagkababad dito, ito rin ay isang malaking oportunidad sa bawat pamilya upang magbond at magtravel sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Upang maiwasan ang pagkawalan ng malay sa ilalim ng tirik na araw, maraming paraan ang namuo upang maibsan ang init at mapalitan ito ng aliwalas sa katawan at isipan. Mula sa pagkain ng Halo-Halo, paghawak ng pamaypay, at kaya naman ay paglangoy sa iba’t ibang anyong tubig, lahat ay mas nagiging masaya basta’t kasama ang buong pamilya. Ngunit, ano nga ba ang pinakasikat na paraan upang magsaya at manatiling malakas ngayong tag-init? Ang mga sagot ay hindi na nagpaliligoy-ligoy at bumabase lamang sa 7,641 na isla sa Pilipinas, paglangoy at pagtuklas ng mga nakatagong hiyas ng ating minamahal na bansa.
Habang marami sa atin ang nauudyok sa mga lokal na pagkain at mga aktibidad tulad ng paglangoy, marami rin ang nag-aabang sa pagkakataon na makapunta sa mga sikat na destinasyon ng bansa, upang mas lalong mapalakas ang bonding at maipakita ang kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo.
Sa dami ng isla ng Pilipinas, maraming tao ang lumipas, alaalang pinanghahawakan, at mga kuwentong nabuo. Ang mga isla ng Pilipinas ay isang kagandahan sa kanilang sarili. Ang patuloy na pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapataas ng turismo, tulad ng ibang reyna, mayroon itong kagandahang may layunin. Ang turismo ay may pinakamataas na kita sa panahon ng tag-araw, dahilan ng bawat turista na nais makatuklas ng sunud-sunod na isla. Gayunpaman, ang tanong ay nananatili, ano ang pinaka-binibisitang mga tourist spot sa Pilipinas kapag ang init ay nasa tuktok nito? Maraming sagot, kasama ang Boracay, El Nido, at Siargao na naglalaban sa tuktok. Ang mga pook na ito ay hindi lamang isang tagpuan ng mga turista kundi mga simbolo ng likas na ganda ng ating bansa. Mula sa White sand, hidden lagoons, at hanggang sa surfing spots, ang mga ito ay karapat-dapat na kilalanin at tuklasin. Sa napakaraming pagpipilian na tourist spots sa Pilipinas, ang isa ay tiyak na pagpapawisan sa pagpili kung saan pupunta.
Gayunpaman, sa wakas ay nagsimula na ang panahon ng tag-init. Ang pinakamahusay na lunas ay ibabad ang sarili sa isang nakamamanghang anyong tubig, tinatamasa ang kagandahan ng ating bansa nang may pagmamalaki at kasama ang ating minamahal na mga tao. Sa ilalim ng tirik na araw, ang bawat pagkakataon na makapagsama-sama ng pamilya sa mga isla ng bansa ay nagiging hindi malilimutang alaala na nagsisilbing pampatanggal pagod at nagbibigay ng mga kwento na ipagmamalaki nating lahat. Sapagkat sa lahat ng mga panahon ng tag-araw na dumating at darating, ang pangunahing esensya ay ang magbuklod at tumuklas ng mga hindi nakikitang kayamanan sa ilalim ng nakakapasong mainit na araw.
THE ISLAND THAT NEVER SLEEPS: BORACAY, AKLAN
Matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas, ang Boracay ay isa sa mga isla ng lalawigan ng Aklan. Pinamagatang “The Island that never sleeps,” Isa rin ito sa mga pinakabinibisitang tourist spot, mula pagsikat ng araw hanggang madaling araw. Sa sukat na 7 km lamang ang haba at 1 km ang lapad, ito ay na-maximize ng mga mamamayan at gobyerno ng Aklan upang matiyak ang iba't ibang mga atraksyon at aktibidad sa tabi ng makapigil-hiningang white sand beach.
Mahalaga na ihanda ang kaniya-kaniyang itinerary kapag bibisita sa Boracay, ngunit ano nga ba ang partikular na gawain o lugar ang dapat hindi mawala sa travel list?
Ang pagbisita sa Boracay ay hindi makukumpleto kung hindi ka bibisita sa Willy's Rock on White Beach. Ito ay isa sa pinakauna sa listahan ng mga turista sa Boracay dahil ito ay ang tanyag na Volcanic Formation sa lugar.
Pagkatapos ng mainit ang kabigha-bighaning Volcanic Formation, humanda namang mahumaling sa mga mailap na paro-paro at mga bulaklak sa Bulabog Beach.
Kung nais mo naman na umiwas sa masikip at mataong mga tanawin, maaari kang pumunta sa Puka Shell Beach at magkaroon ng payapa at maaliwalas na picnics.
Sa huli, ang Baling Hai Beach, isang maliit na white sand, ay makikita mo ang isang magandang tanawin bago magtakip silip, rekomendang umakyat sa clifftop upang masulit at makuha ang pinakamagandang shot ng lugar.
Sa dami at ganda ng mga tanawin at gawain sa Boracay, tiyak na ang mga alaala rito ay hindi mo makakalimutan.
Sa angking kariktan ng lugar, marami ang nahumaling. Dahil dito, maraming karangalan ang natanggap ang lugar, katulad na lamang ng Conde Nast Traveler’s The Best Islands in the World 2019 Readers Choice Awards, sa kategorya ng Asya. Ang ipinagmamalaki ring lugar ay nananatili sa Top 10 sa nasabing kompetisyon sa ika-anim na puwesto noong 2020.
Tunay nga na ang Boracay ay isang lugar na hindi nagpapahinga. Sa higit na dalawang milyon na bumibisita kada taon, tiyak na ang mga mamamayan at ang gobyerno ng Aklan ay sagana mula umaga hanggang gabi. Dahil sa pagpapanatili ng kagandahan ng bawat sulok nito, ang bawat itinerarya ay punong-puno rin ng mga aktibidad kada araw—dahilan upang hindi magsapat ang isang linggong paglalakbay dito upang matuklasan ang mga spots, bumuo ng kwento at alaalang hinding-hindi malilimutan, at maging aktibo, katulad na lamang ng titulo ng lugar.
THE NEST: EL NIDO, PALAWAN
Alam mo ba, ang El Nido ay hindi lokal na salita? Ito ay hango sa salitang “El Nido” ng wikang Espanyol, na ang ibig sabihin ay “The Nest” sa Ingles o kaya naman ay “Ang Pugad” sa wikang Filipino. Ito ay pinangalanan na El Nido dahil sa iba’t ibang pugad na binubuo ng mga ibon sa kanilang lugar.
Matatagpuan sa Timog-Kanlurang bahagi ng Pilipinas, Ang El Nido ay kilala rin bilang “last ecological frontier” ng bansa. Karagdagan dito, kilala rin ang El Nido, Palawan bilang pinaka-biodiverse na isla ng Pilipinas dahil sa iba’t ibang cave formations, secret lagoons, at kamangha-manghang flora at fauna rito na maaaring nabuo noong 250 milyong taon ang na nagdaan.
Ang nagpapahalaga sa paglalakbay sa El Nido ay ang pagiging praktikal at presyo nito. Kahit na mayroon kang isang masikip na badyet, ang paglalakbay ay maaaring sulitin at kasiya-siya.
Maraming itinerary ang iniaalok sa El Nido, ngunit ang pinakatanyag ay ang mga travel bundles na nakapangalan mula sa Letrang A, B, C, at D. Ngunit, narito ang mga inirerekomenda ng mga nakararami na bisitahin kapag ika’y nasa El Nido.
Una sa Listahan ay ang Seven Commando Beach. Kasama sa Tour A Itinerary, ito ay isa sa mga pinakabinibisitang tourist spot sa lugar. Kilala sa puting buhangin, kulay asul na tubig, mga puno ng niyog at ang payapang kapaligiran, ito ay tunay na isang kagandahan na mayroong dalang kaginhawaan. Ang pangalan ay naghango sa pitong Hapong sundalo na nanatili sa isala pagkatapos ng World War II. Bagamat nananatili pa ring misteryo ang pinagmulan ng pangalan nito, ito ay nagsilbing angking karakter para sa magandang tabing-dagat.
Sumunod ay ang tila tatak ng El Nido, ang “Big Lagoon”. Kabilang din sa Tour A Itinerary, ito ay kilala sa esmeraldang tubig, matatayog na limestone cliff at payapang kapaligiran. Ito rin ay isa sa pinakakilalang tourist spot sa Pilipinas dahil sa pagpapakita nito ng kalinisan at biodiversity ng bansa, nababagay sa mga turistang naghahanap ng thrill at katahimikan.
Kung mayroon silang Big Lagoon, ang El Nido ay mayroon ding misteryong dala-dala ng Secret Lagoon.
Binubuo ng isang tabing-dagat o beach na pinapalibutan ng makapigil hiningang matatayog na cliffs. Ang mga puno ay nakakalat din dito, na siyang bumabagay sa kulay abong karst limestone.
Kung ika’y nagtataka kung bakit ito’y sikreto, dahil ito sa maliit na pasukan sa limestone wall. Dahil dito, hindi agad makikita ang Secret Lagoon, at upang makapasok ay daraan ang iyong transportasyon sa maliit na pasukan, na siyang magreresulta sa pagkatuklas ng sikretong ipinagmamalaki ng mga taga-El Nido.
Katumbas na matatayog na cliffs kung saan kilala ang El Nido ay ang taas-noong pagmamalaki ng mga mamamayan dito. Sa matatayog nitong mga cliffs, nakatago ang kanilang mga likas na yaman, ang kanilang lagoons. Maliban sa paglalakbay, sa El Nido, ika’y nakatutuklas din ng sikreto, isang kagandahan na mapapahalagahan sa personal. Gamit ang limitadong badyet, tiyak na sobra-sobrang kasiyahan ang madarama at sikretong matutuklasan ang iyong mararamdaman sa El Nido, Palawan.
THE PHILIPPINES’ SURFING CAPITAL: SIARGAO, SURIGAO DEL NORTE
Ang Siargao, isang maliit na isla na hugis patak ng luha na matatagpuan sa hilagang-silangang baybayin ng Mindanao, ay kilala bilang Surfing Capital of the Philippines. Noong 2019, ang Siargao ay pinangalanan ng mga mambabasa ng Conde Nast Traveler bilang Best Island in the World, at nasa top 5 sa Asia sa Conde Nast Traveler's 2020 The Best Islands in the World Reader's Choice Awards.
Sinasabi ng mga lokal na ang pinakamahusay na oras upang pumunta ay sa panahon ng init, partikular na Marso hanggang Mayo. Sa maraming lokasyon upang simulan ang iyong paglalakbay, mula sa Maynila o mula sa Cebu, ang Siargao ay isang lugar ng accessibility at thrill.
Sa napakaraming destinasyong mapagpipilian, ang paglalakbay sa Siargao ay dapat na nasa isa sa iyong summer bucket list ngayong taon.
Kilala bilang Surfing Capital of the Philippines, ito ang tahanan ng Cloud 9. Isa ito sa mga binibisitang surfing spot sa bansa, na may masiglang maliwanag na eksena araw-araw, lalo na sa panahon ng tanning.
Bagama't ang El Nido ay tahanan ng matataas na bangin at lagoon, nag-aalok din ang Siargao ng isa pang uri sa listahan ng lagoon. Ang Sugba Lagoon, isang sikat na destinasyon sa Del Carmen ay isang maliit na lagoon na may esmeralda na tubig na may magandang kagubatan na nakapalibot dito. Bukod sa surfing, isa rin itong lugar ng snorkeling, paddleboarding, kayaking, bamboo rafting, o iba pang kapana-panabik na aquatic activities.
Sa sapat na katumpakan bago ang iyong paglalakbay, maaari kang makaranas ng isang beses sa isang buhay na karanasan sa Magpupungko Rock Pool. Kapag maganda ang panahon at low tide, maaari kang gumawa ng iba't ibang aktibidad sa destinasyon, mula sa pagtangkilik sa mga tidal pool o paggalugad sa mga kwebang nakapaligid dito, nag-aalok ito ng mga bagong karanasan, na nagreresulta sa pagiging isa sa mga sumisikat na destinasyon ng turista sa Siargao.
Kahit na kilala bilang ang surfing capital, sa likod, ang Siargao ay nag-aalok ng mas maraming bagong aktibidad para sa mga turista. Kasama ng mga nakamamanghang tanawin ng mga dalampasigan at lagoon, tiyak na magugustuhan ng mga taong mahilig sa pakikipagsapalaran at tuklasin ang Siargao, ang ilan sa mga turista ay posibleng nagpaplanong maging isang lokal na residente doon.
Ang Pilipinas ay patuloy na nagpapakita ng kahanga-hangang likas na yaman sa iba’t ibang pulo nito. Mula sa puting buhangin ng Boracay, sa matatayog na cliff at lagoons ng El Nido, hanggang sa alon na dala ng Siargao, singdami at hihigit pa ang posibilidad ng mga aktibidad dito. Mula sa Surfing, Snorkelling, o kaya naman ay pagdiskubre ng iba’t ibang yamang tubig, ang mga ito ay may bitbit na kwento at alaala na siya pang ating ipagmamalaki sa mundo.
Sa 7641 isla ng Pilipinas at sa init na dala ng tirik ng araw, maraming pagkakataon na bumuo ng mas malalalim na relasyon sa ating mga minamahal. Ang mga destinasyong ito ay hindi lamang isang tanawin, ito rin ay isang kuwento upang sabihin at isang tag-araw upang maranasan. Halina at patuloy na tuklasin ang ating mga likas na yamang ngayong panahon ng tag-init sapagkat ang pangunahing diwa nito ay ang muling pag-alab ng pagmamahal sa ating bansa at sa ating mga minamahal sa buhay.
MGA SANGGUNIAN
[1] Boracay Island. What you need to know before you go - Go Guides. (n.d.). https://www.hotels.com/go/philippines/boracay-island
[2] Trade, T. (n.d.-a). Boracay. Boracay | Philippine Department of Tourism Australia & New Zealand. https://www.tourismphilippines.com.au/where/boracay
[3] Brocious, J. (2024, December 18). The paradise of Palawan: The Ultimate El Nido Travel Guide. Round the World in 30 Days. https://rtwin30days.com/palawan-el-nido-travel-guide/
[4] Grooves, J. (2025, January 20). 20 awesome things to do in El Nido: The ultimate guide. Journey Era. https://www.journeyera.com/things-to-do-el-nido-palawan/
[5] Trade, T. (n.d.). Siargao. Siargao | Philippine Department of Tourism Australia & New Zealand. https://ww
w.tourismphilippines.com.au/where/siargao
No comments:
Post a Comment