Disenyo ni: Avrianne Cabate
Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano
Petsang Inilathala: Marso 24, 2025
Oras na Inilathala: 2:45 PM
Naputol ang apat na sunod na talo ng University of the Philippines (UP) matapos ang isang matikas na panalo laban sa Adamson University sa UAAP Season 87 Womenβs Volleyball tournament.
Sa limang set na sagupaan, nanaig ang Fighting Maroons, 25-15, 15-25, 24-26, 25-22, 15-10, sa kabila ng makasaysayang 38-point performance ng rookie na si Shaina Nitura ng Adamson sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, ika-16 ng Marso.
Nalagpasan ni Nitura ang dating record na 35 puntos na pinanghahawakan nina Alyssa Valdez (Season 75) at Sisi Rondina (Season 81), ngunit hindi ito naging sapat upang iahon ang Adamson Lady Falcons mula sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo.
βSi Nitura, alam na nating kayang umiskor ng marami, pero ang UP team, nagtulungan talaga,β pahayag ni UP coach Benson Bocboc.
Sa huling set, nagliyab si Irah Jaboneta, umiskor ng pitong puntos sa kabuuang 19 niya, habang bumida rin sina NiΓ±a Ytang (20 puntos), Joan Monares (15 puntos), at Kianne Olango (15 puntos).
Sa kabila ng pagkatalo, nagpakitang-gilas din ang setter na si Felicity Sagaysay na may 30 excellent sets para sa Adamson, habang si Barbie Jamili ay nag-ambag ng 18 puntos.
Sa pagtatapos ng unang round, hawak ng UP ang 3-4 record, habang bumagsak ang Adamson sa 2-5.
PHOTO SOURCES:
Isaga, JR. (16 March 2025). Rappler. https://www.rappler.com/sports/uaap/women-volleyball-results-adamson-lady-falcons-up-fighting-maroons-march-16-2025/
Villanueva, R. (16 March 2025). Philstar. https://qa.philstar.com/sports/2025/03/16/2428826/maroons-survive-nitura-lady-falcons-regain-winning-ways
SANGGUNIAN:
Dukha, A. B., III. (2025, March 17). UAAP: UP survives Shaina Nituraβs record performance, Adamson. INQUIRER.net. https://sports.inquirer.net/613148/uaap-up-survives-shaina-nituras-record-performance-adamson
No comments:
Post a Comment