Monday, March 10, 2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗛𝗔𝗠 𝗔𝗧 𝗧𝗘𝗞𝗡𝗢𝗟𝗢𝗛𝗜𝗬𝗔: "Misteryosong sakit sa Congo, posibleng Malaria" ni Marcus Daniel E. Villalobos

 

Inilathala ni: Jean Ashley Lugod

Petsang Inilathala: Marso 10, 2025

Oras na Inilathala: 11:23 AM


Itinala ng World Health Organization sa Africa noong Huwebes, ika-27 ng Pebrero 2025, ang daan-daang positibo sa 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 na siyang posibleng nasa likod ng mga sakit sa hilagang-kanluran ng Democratic Republic of Congo, habang ang 𝘧𝘰𝘰𝘥 𝘱𝘰𝘪𝘴𝘰𝘯𝘪𝘯𝘨 ay isa rin sa tinitignang dahilan ng mga kaso.

Naitala ang unang kaso sa 2025 sa Boloko matapos mamatay ang tatlong bata pagkaraan ng 48 na oras dahil sa pagkain ng paniki. Dumagdag naman ang tala na 12 kaso at 8 namatay sa kaparehong nayon pagkatapos makaranas ng mga sintomas.

Ayon sa WHO Africa, 98% ang recorded case sa Bomate, 200 kilometro mula sa Baloko, at itinuring na pinakanaapektuhang barangay na may tala ng 86% na namatay dahil sa sakit.

𝘔𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 naman ang lumabas na resulta sa bayan ng Basankusu mula sa 571 na pasyente, ang 309 dito ay nagpositibo sa sakit.

Kamakailan lang ay may tala ng limang iba pang barangay na may kasong kapareho ng mga naitalang sakit sa mga naunang barangay. Maaaring ito raw ay dala ng kawalan ng pagkain, tubig, o iba't ibang uri ng impeksyon.

Responsable ang 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 o 𝘱𝘭𝘢𝘴𝘮𝘰𝘥𝘪𝘶𝘮 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘴𝘪𝘵𝘦𝘴 sa pagpapalala ng mga sakit o impeksyon sa tao. Ang naturang sakit ay aktibo rin tuwing tag-lamig. Ayon sa mga 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘪𝘢𝘭𝘴, karaniwang sintomas nito ay trangkaso, abdominal cramps, ubo, hirap sa paghinga, anemia, at pagsusuka.

Ang mga 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘴𝘪𝘵𝘦𝘴 ng 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 ay sumasailalim sa proseso ng mutasyon, kung saan pinapahina nito ang resistensya ng katawan at mas pinapalala pa ang mga impeksyon. Naililipat din ng mga 𝘈𝘯𝘰𝘱𝘩𝘦𝘭𝘦𝘴 𝘮𝘰𝘴𝘲𝘶𝘪𝘵𝘰𝘦 ang sakit na ito sa mga tao.

Nalilimitahan ng mga 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘤𝘵 𝘳𝘦𝘱𝘦𝘭𝘭𝘢𝘯𝘵 at 𝘢𝘯𝘵𝘪𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢𝘭 𝘥𝘳𝘶𝘨 ang transmission mula sa kagat ng lamok papunta sa tao. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘷𝘢𝘤𝘤𝘪𝘯𝘦𝘴 naman ang nakakapagpabawas sa malubhang epekto kapag naturukan na bago mahawaan.

Ibinahagi ni Dieudonne Mwamba, Director General of the National Institute of Public Health, ang mula sa mga 𝘭𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘳𝘦𝘴𝘶𝘭𝘵𝘴 sa 943 na nagkasakit at 52 kaso ng namatay sa Equateur province.

"Tinitingnan munang sanhi ang 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 sa ngayon, ngunit maaaring 𝘧𝘰𝘰𝘥 𝘱𝘰𝘪𝘴𝘰𝘯𝘪𝘯𝘨 din ang dahilan", ayon kay Mwamba.

Tinukoy din ni Ngashi Ngongo, head of incident management for mpox at the Africa Centres for Disease Control and Prevention, noong ika-27 ng Pebrero 2025, ang mga kaso ng sakit bilang pinakamalapit na epekto ng 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢.

Matatandaan noong 2024, ika-19 ng Disyembre, nakitang 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘳𝘪𝘢 ang posibleng nasa likod ng mga sakit mula sa 51 na taong kinuhanan ng 𝘭𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘦𝘴𝘵.

Na-obserbahan din noon na maaaring bagong uri raw ng 𝘊𝘰𝘷𝘪𝘥-19 ang mga sakit sa timog-kanluran ng Kwango sa Congo na kung saan unang natamaan ng kaso noong Disyembre 2024.

Inanunsiyo ng health ministry ng Congo na huwag humawak o magkaroon ng physical contact mula sa mga taong namatay na nagkaroon ng 𝘧𝘭𝘶-𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘴𝘺𝘮𝘱𝘵𝘰𝘮𝘴. Inabisuhan din ang mga tao na umiwas sa 𝘮𝘢𝘴𝘴 𝘨𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨 at ipagbigay alam sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang sakit at 𝘶𝘯𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩.

Ang Congo ay kinikilalang 10% 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥'𝘴 𝘵𝘳𝘰𝘱𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘴𝘵 at isa sa mga mahihirap na bansa. Pagtaas ng mga kaso tulad ng 𝘮𝘱𝘰𝘹 at 𝘮𝘢𝘳𝘣𝘶𝘳𝘨 mula sa mga nahawang daga o paniki ay nagkalat din sa mga rehiyon ng Congo.


MGA SANGGUNIAN:
Asadu, A., Sanganga, G. M., at Kamale, J. Y. (2025, Pebrero 28). Malaria endures in northwest Congo as officials seek cause of illnesses that have sickened hundreds. 𝘈𝘴𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘕𝘦𝘸𝘴.
Bendix, A., at Kopf, M. (2024, Disyembre 19). Mystery illness in Congo could be severe malaria, health officials say. 𝘕𝘉𝘊 𝘕𝘦𝘸𝘴. https://www.nbcnews.com/.../congo-disease-outbreak-severe...
BLOOMBERG NEWS. (2024, Disyembre 19). 'Disease X' in Congo a mix of illnesses. Bangkok Post.
TIME ENTERTAINMENT. (2025, Pebrero 28). Deadly disease spreading in Congo may be malaria: Can this common disease mutate and become so deadly? [source] Reuters.


No comments:

Post a Comment