Thursday, March 20, 2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: Pagbalik—Pabalik—sa Kabataan By Rai Eniana De Iso


Disenyo ni: Misha Mikylla Sanchez

Inilathala ni: Dionne Mendoza

Petsang Inilathala: Marso 20, 2025

Oras na Inilathala: 12:01 PM

Kategory: Tula

Tema: Hangad bumalik sa kabataan, subalit natatanto ang hamon ng pagtanda.


Mga kabataang naghahabulan—

Mistulang malayo sa balakid ng kalawakan.

Naglalarong walang kargang hapis,

Kamuhi-muhi kong ninanais.


Tila'y malaya, mga batang aking nakita;

Ngunit bakit, bakit may kakaiba?

Mga batang masaya’t maligaya,

Kabaliktaran ng aking mga dinarama.


Nang madapa, tutulungan tumayo sa sariling paa;

Nang magkasugat, kakalungin hanggang maging payapa.

Nang mapagod, bubuhatin at papatulugin ng mahimbing;

Nang kailanganin ng mag-aalaga, nariyan lamang maglalambing.


Subalit, narito ako ngayon—

Kasama ko ang mga himig ng hangin,

Humahaplos sa mga lunlon;

Katahimikang bumabalot sa’kin, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ข.


Pagtingin sa mga bata,

Nabalik ako sa aking alaala.

Nakikipaglaro sa mga kasama;

Walang alaala, kundi manalo kada tsansa.


Nang magpakita ang buwan,

Duon lamang kami lilisan.

Aalis na may ngiti sa mga naging kalaban,

Ngunit kaibigan pa rin pagbalik ng kaarawan.


Natigil aking pag-alala nang sila’y isa-isa nang nagsialisan,

Nagpakita na kasi ang totoong buwan.

Bawal na maglaro sa labasan,

Kung saan narito ang kasiyahan.


Nag-iisa, sa palaruan ng mga kabataan,

Bawal na maglaro rito ang matatanda.

Takdang edad na para dalhin ang sariling paa,

Hindi na kailangan ng tiga-bantay pa.


Subalit, pwede pa ba?

Maaari na lang ba akong bumalik kung saan—

Kung saan kada galaw ko’y may paalala?

Maaari bang bumalik sa alaala?


Kahit magalit dati sa mga alituntunin,

Ngayo’y nais ko na lamang buhayin—

Ang buhay kong nais na takasan dati,

Na ngayo’y gagawin ang lahat upang mapanatili.


Mapanatili sa mga araw na hindi ako nag-iisa;

Mapanatili sa mga araw na ligid sa aking alaala;

Mapanatili sa mga araw na hindi nasa akin,

Ang bigat ng mundong ayoko nang ipasa.


Dahil ngayon:

Kung ika’y madapa, itayo mo ang sariling mga paa;

Kung magkasugat, pagtitiis na lamang ang sagot;

Kung mapagod, pilitin mo pa rin ang sariling kumilos;

Kung kailanganin ng mag-aalaga, kaya mo naman na sarili mo, diba?


Dahil kahit na pilitin ko ang aking mga paa

Na bumalik sa nakaraang yumapa,

Kay’t na ulitin kong pagpumilit na lumaya,

Sa mundong kasalukuyan kong tinahak—

Hindi na pwede, ‘rapat nang ipalaya.


Hindi ka na bata,

Namumuhay man sa loob mo’y—

Alam nating hindi na ito lalaya;

Hindi na maaaring bumalik pa.


๐˜‹๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข—๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข.

No comments:

Post a Comment