![]() |
Inilathala ni: Marino Peralta
Petsang Inilathala: Marso 19, 2025
Oras na Inilathala: 7:00 AM
Kategorya: Prosa
Tema: Pagpapakita ng tamang pagmamahal na iba sa nakasanayan
Lumaki ako sa isang tahanan na kung saan ang pakikipag-usap ay sa pamamagitan ng sigawan at batuhan ng masasakit na salita. Kahit maliit na ingay na iyong maririnig sa bawat kanto ng silid ay tila bibigyan ka ng kaba. Ang mabibigat na dapo ng kamay ay katumbas ng pagmamalasakit at kalinga. Sa bawat segundong lumilipas ay para bang nakakasakal dahil sa mga saloobin na takot ipaalam sa lahat.
Sabi nila ang pagmamahal ay nag-uumpisa sa tahanan. Ayon ang klaseng pagmamahal na aking natutunan at sa tingin ay tama.
Kaya nang maramdaman ko ang malambot na haplos ng iyong kamay ay tila akoβy nagulat sapagkat hindi ako sanay sa ganoβng pakiramdam. Hindi ako sanay sa sobrang gaan nito at kung paano ako hawakan na para bang isa akong mahalagang bagay na dapat ingatan. Ang boses mo na parang isang hele sa aking tenga dahil patuloy mong binubulong sa akin kung gaano ako kahalaga saβyo.
Doon ko napagtanto na mali ang pagmamahal na aking nakasanayan.
Magmula noon ay nangangarap na akong magtayo ng isang tahanan kung saan doon tayo titira. Ikaw at ako. Titira tayo sa isang tahanan kung saan hindi nakakatakot ang ingay dahil mapapalitan ito ng musika at ating mga tawanan. Ang pakikipag-usap ay malumanay at hindi napapagod sa pagsasabi kung gaano natin kamahal ang isaβt-isa. At hindi na nahihirapang huminga dahil lahat ng bumabagabag sa isipan ay nagagawa nang sabihin sa isaβt-isa.
Sa tahanan na βyon, ibang paraan ng pagmamahal ang ipapakita natin. Pagmamahal na malaya. Pagmamahal na kalmado. Pagmamahal na tama.
No comments:
Post a Comment