Thursday, April 17, 2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: "Ako'y Isang Babae" ni Jasmine Louise A. Bacud

 


Disenyo ni: Jewell Ann

Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano

Petsang Inilathala: Abril 17, 2025

Oras na Inilathala: 5:26 PM


Kategorya: Tula

Paksa: Pagsasantabi sa mga pamantayang itinakda sa mga kababaihan.


Ako'y isang babae, at oo, alam ko na,

Ang mga salitang binubulong ng iba. 

"Babae ka, dapat marunong kang magluto," 

Parang kusina lang ang mundo koโ€”dito ba ako itatago?


"Babae ka, dapat marunong kang maglinis, maglaba," 

Tila tahanan lang ang dapat kong halaga. 

"Babae ka, dapat marunong kang tumahimik,"

Walang puwang ang tinig ko sa daigdig.


"Makinig na lang, sumang-ayon, huwag nang lumaban," 

Sa sarili kong isip, tila ako'y pinagkaitan.

Ngunit hindiโ€”hindi ako anino o laruan,

Ako'y babaeng 'di yuyuko sa kahit kanino man.


Hindi sukatan ang kalan at walis,

Ang halaga koโ€™y higit pa sa kanilang nais.

Hindi ako yari sa takot at hinagpis,

Babae akoโ€”matapang, malaya, matinis!


Hindi ko kailangan ng pagsang-ayon,

Walang sinuman ang dapat lumihis ng aking layon.

Akoโ€™y isang babaeโ€”tulad ng apoy,

Bawat saglit, lalong nagliliyab, hindi kayang itaboy.


"Mahina?" Kaya kong lampasan ang dilim nang mag-isa,

'Pagkat sa puso koโ€™y may tapang na hindi mawawala.

"Mahinhin?" Hindi ko kailangang magpanggap,

Para lang sa mundoโ€™y maituring na karapat-dapat.


Ako ang may hawak ng aking daigdig,

'Di kayang tabunan ang aking tinig.

Walang mas mataas, walang dapat mamuno,

Ako'y kapitan ng barkong hindi sumusuko.


Alam ko ang halaga ko, tulad ng brilyante,

Sa kinang at tibay, nananatiling elegante.

Akoโ€™y isang babaeโ€”bagyo man o unos,

Hindi matitinag at lalong hindi magagapos.

No comments:

Post a Comment