Petsang Inilathala: Abril 1, 2025
Oras na Inilathala: 11:40 AM
Ang pulitika ay pinaka mahalaganga aspekto ng Bansa. Ito ay and pinaka-"back bone" o haligi ng ating kanya-kanyang republika. Ngunit papaano kung pati mismo ang pulitika ay di natin napagkakatiwaalan? Paano kung karamihan sa mga tumatakbo sa pulitika ay malinaw na di karapat-dapat sa posisyon? Ilan nalamang dito and mga natakbo habang nasa bilibid o galing dito, na malinaw na nag labag ng batas at moralidad ng bawat tao, samantalang ang iba ba naman ay mga "showbiz" na katauhan na nakakapagtaka bat bigla-bigla nalang natakbo sa pulitika na wala o di sapat ang kalaman tungkol dito. Atin ba talagang pahihintulutan ang ganitong mga personalidad na maging kandidato para sa lider ng Bansa? Kailangan na natin mamulat sa kung ano ang tama and mga karapat-dapat sa pulitiko.
Sa pagdating ng eleksyon, maraming mga kandidato ang naglalabasan. Ngunit sa pagkagulat ng nakararami, marami sa mga tumatakbo ay hindi karapat-dapat sa posisyon. Tulad ni Apollo Carreon Quiboloy na kung matatandaan ay hinuli dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata sa pamamagitan ng sekswal na pangangalakal, pandaraya at pananakot, at pagpuslit ng malaking halaga ng pera sa ibang bansa. [1][2] ngunit hindi ito pumigil sa kanya upang tumakbo sa senado. Di bat nakakabahala na bahagi sya sa mga kandidato na posibleng mabigyan ng kapangyarihan, kahit pagkatapis ng lahat ng kanyang umano ay ginawa?
Isa pang halimbawa ay ang pagtakbo ng mga personalidad sa showbiz ay si Willie Revillame, na kinagulat ng marami. [3] Kilala sa kanyang game show na "Wowowee", kung saan kilala ito sa pagbibigay ng pera, elektroniks at iba pang gamit sa mga manonood at manlalaro nito, na sa asking palagay ay ang rason kung bakit siya nagkaroon ng lakas loob na tumakbo, at ito rin marahil ang magiging rason ng mga boboto sakanya, na hindi iniisip na ito naman ay di nya kagagawan kung hindi ang parte ng mismong segment ng palabas. Ito ay parte ng entertainment at bahagi lamang ng kanilang trabaho upang makakalap ng manonood na makakapagtulong sakanila sa pagkita ng pera na mas malaki kesa sa kanilang mga binigay. Atin ba talagang pahihintulutan ang mga kagaya niya na tumakbo sa senado na base rin sa mga panayam ay tila kaka-onti lamang ang kaalaman sa larangan ng pulitika?
Ang pagtakbo ni Donald Trump bilang presidente ng Estados Unidos ay isa pang halimbawa ng mga kandidato na hindi karapat-dapat sa posisyon. Siya ay may mga kontrobersya at sya rin ay isang "convicted felon." [4] Ang malinaw na pruweba na ito ay hindi pumigil sa kanya upang tumakbo bilang presidente, and nakakapanghinayang na sa kabila nito ay nanalo pa rin siya. Ito ba talaga ang mga klase ng tao na gusto nating mamuno sa atin? Hindi sila ang mga tao na makakapagkatiwaalan natin ng ating kinabukasan.
Ang mga tao na tumatakbo sa politika ay dapat may sapat na kaalaman, karanasan, at integridad upang maging isang mahusay na lider. Hindi dapat sila pumapayag sa mga kandidato na hindi karapat-dapat sa posisyon. Sa huli, ang pagpili ng mga lider ay dapat batay sa kanilang kaalaman. Hindi dapat sila pumapayag sa mga kandidato na hindi karapat-dapat sa posisyon. Panahon na at mamulat sa katotohanan at ayusin ang bulok na sistema nang pulitika. Atin nang malaman na hindi dapat isaalang-alang ang ating kinabukasan sa mga "lider" na natakbo na di maitatangging natakbo para lamang sa pansariling interes.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Manahan, J. (2025, February 11). Quiboloy claims running for senator is βGodβs missionβ for him | ABS-CBN News. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/.../quiboloy-claims-running-for...
[2]Simonette, J. G. &. V. (2024, September 9). Apollo Quiboloy: Fugitive pastor arrested for sex crimes. https://www.bbc.com/news/articles/c75npd1xw9qo
[3]Pagtakbo ni Willie sa 2025 umani ng kanegahan, umatras kaya sa laban? (2024, October 10). INQUIRER.net. https://bandera.inquirer.net/.../pagtakbo-ni-willie-sa...
[4] Bouranova, A. (2024, August 13). Trump is a convicted felon. Does that actually mean anything? Boston University. https://www.bu.edu/.../trump-convicted-felon-what-does.../
No comments:
Post a Comment