Inilathala ni: Jielian Lobete
Petsang Inilathala: Hulyo 22, 2025
Oras na Inilathala: 11:25 AM
Nakauwi na sa Pilipinas ang labing-isang Pilipinong tripulante ng MV Magic Seas noong Sabado ng gabi, Hulyo 12, matapos makaligtas sa pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea noong Hulyo 6.
Bago makabalik sa bansa, pansamantala muna silang nanatili sa Djibouti habang inaasikaso ang kanilang ligtas na pagbabalik.
Ang pagdating ng nila ay kumumpleto sa repatriyasyon ng lahat ng 17 Pilipinong crew ng barko.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lumapag ang 11 marino sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kung saan sinalubong sila ng mga opisyal ng pamahalaan.
Sa kanilang pagdating nila, agad silang isinailalim sa health check-up at pinagkalooban ng training vouchers mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kasama rin sa natanggap nilang suporta ang agarang pinansyal na tulong, medical check-up, at psychosocial counseling.
Noong gabi ng Biyernes, Hulyo 11, nauna nang dumating sa bansa ang unang anim na tripulante.
Tatlo sa kanila ay lumapag sa NAIA Terminal 1, habang ang tatlo pa ay sa Clark International Airport.
Tiniyak naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na hindi sila pababayaan ng pamahalaan.
“Aside from our immediate financial assistance and reintegration services, all the seafarers will also receive medical check-ups, including physical and mental health assessments, as well as psychosocial counseling to help them recover from the challenges they faced abroad.” ani Cacdac.
Dagdag ng DMW, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isang "whole-of-government" approach ang ipinatutupad upang matiyak ang maayos na pagbabalik ng mga tripulante sa kanilang pamilya at komunidad.
“Comprehensive reintegration support from the whole-of-government team, as directed by President Ferdinand Marcos Jr., awaits them to ensure their smooth transition and return to their families and communities.” pahayag ng DMW.
“Magaling kayo at magigiting. May AKSYON FUND tayo para magbigay ng tulong at suporta sa inyo.” dagdag pa ng ahensya.
Ang MV Magic Seas ay lumubog matapos salakayin ng mga rebeldeng Houthi habang naglalayag sa Red Sea.
Nakaligtas ang mga tripulante, kabilang ang mga Pilipino, Vietnamese, at Romanian.
Samantala, patuloy na pinaghahanap ang 13 Pilipinong marino na sakay ng MV Eternity C, isa pang barkong sinalakay ng parehong grupo.
Ayon sa DMW, walo sa 21 Pilipinong tripulante ng MV Eternity C ang nasagip na.
MGA SANGGUNIAN:
[1] ABS-CBN News. (2025, July 13). MV Magic Seas crew back in PH after Houthi attack on ship. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/7/13/mv-magic-seas-crew-back-in-ph-after-houthi-attack-on-ship-1416
[2] GMA Integrated News. (2025, July 13). 11 Magic Seas crew members arrive in PH. https://www.gmanetwork.com/news/pinoyabroad/dispatch/952398/11-magic-seas-crew-members-arrive-in-ph/story/
[3] Sampang, D. (2025, July 13). All 17 Filipino crew members of MV Magic Seas repatriated – DMW. INQUIRER. https://globalnation.inquirer.net/284588/all-17-filipino-crew-members-of-mv-magic-seas-repatriated-dmw
No comments:
Post a Comment