Hiniling ni Bise Presidente Sara Duterte noong Huwebes, ika-7 ng Agosto 2025, na igalang ang desisyon ng Senado na ilipat sa archives ang mga artikulo ng impeachment laban sa kaniya matapos bumoto ang 19 na senador pabor dito, apat na tutol, at isang abstain.
"Dapat nating igalang ang papel ng Senado at ang gampanin nito sa ating demokrasya," saad ni Duterte.
Ang desisyon ng Senado ay sumunod sa ruling ng Korte Suprema noong Hulyo 25, 2025, na nagdeklara ng impeachment complaint bilang "𝘯𝘶𝘭𝘭 𝘢𝘯𝘥 𝘷𝘰𝘪𝘥 𝘢𝘣 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘰" dahil sa paglabag sa one-year bar rule at kakulangan sa 𝘥𝘶𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴.
Ayon kay Senate President Francis Escudero, ang hakbang ay nagpapakita ng pag-galang sa konstitusyon at awtoridad ng Korte Suprema.
Samantala, nagdiwang ang kampo ni Duterte sa naging desisyon at ipinahayag ang kumpiyansa sa kanilang legal na posisyon.
Patuloy nilang isusumite ang kanilang komento sa motion for reconsideration na isinampa ng Kamara.
Ipinahayag din ng mga lider ng Kamara ang pagtutol sa mabilis na aksyon ng Senado, sapagkat itinuturing itong 𝘱𝘳𝘦𝘮𝘢𝘵𝘶𝘳𝘦 at hindi isinaalang-alang ang nakabinbing motion for reconsideration sa Korte Suprema.
MGA SANGGUNIAN:
GMA INTEGRATED NEWS (2025, August 7). Sara Duterte on archived impeachment: Let's respect Senate decision. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/955173/sara-duterte-on-archived-impeachment-let-s-respect-senate-decision/story/
Barcelona, W. (2025, August 6). Senate votes to archive impeachment case vs. VP Sara. Philippine News Agency
https://www.pna.gov.ph/articles/1256003?
Ombay, G. & Casilao, J., L. (2025, August 6). Senate archives articles of impeachment vs. Sara Duterte. GMA NEWS
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/955022/senate-archives-articles-of-impeachment-vs-sara-duterte/story/?
Oliquino, E. (2025, August 7). Romualdez on Senate archiving of Sara impeachment: Why the rush?. Daily Tribune
https://tribune.net.ph/2025/08/07/romualdez-on-senate-archiving-of-sara-impeachment-why-the-rush?
Inilathala ni : Jigger Von Malenab
Petsang Inilathala : Agosto 12 , 2025
Oras na Inilathala : 12:34 pm
No comments:
Post a Comment