Thursday, September 18, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—£π—’π—₯𝗧𝗦: "Alas Pilipinas, ginulantang ng Vietnam sa 2025 SEA V. League" nina Curtneiy Jerarde Young at Michael Angelo Marquez

 


Disenyo ni: Queen Xyra Blancia 

Inilathala ni: Keshia Gwyneth Esposa

Petsang Inilathala: Setyembre 18, 2025

Oras na Inilathala: 11:23 AM 


Nabigo sa pag-agaw ng titulo ang Alas Pilipinas kontra Vietnam nang ito ay na-domina sa 2025 Southeast Asian Volleyball League (SEA V. League) Leg 2, 25-14, 30–28, 25–22, sa Vinh Binh Gymnasium, noong ika-8 ng Agosto.


Una pa lamang ay bigo na sa pag-iskor ang Alas Pilipinas nang pagsamantalahan ng kalabang koponan ang kanilang attack errors kaya unti-unti itong bumawi sa pamamagitan ng kanilang matibay na pag-atake at pag-pigil, ngunit hindi ito naging sapat.


Matapos matambakan sa unang set, patuloy nang nakabangon ang Alas Pilipinas dahil sa pagkalat ng Vietnam ng errors na sinabayan ng mga umaapoy na palo ni Nitura na siyang nag-akay ng 18-14 lead sa koponan.


Sa kabila nito ay hindi nakampante ang Vietnam at hindi nagpaubaya sa Alas Pilipinas, gayunpaman ay nangibabaw pa rin ang determinasyon ng koponan at hinabol ang puntos, ngunit nalusutan sila ng Vietnam sa pagtatapos ng ikalawang set.


Nagsimula ang ikatlong set sa mabilis na palo ni Nitura ngunit natambakan muli ang Alas Pilipinas sa 16-9 lead dahil sa matinding depensa ng Vietnam.


Hindi tumigil sa pag-laban ang Alas Pilipinas at pinantayan ang 21 puntos dahil sa sunod-sunod na errors ng kalaban.


Sa huli ay namayagpag pa rin ang Vietnam matapos magpakawala ng 4-1 run sa 21-19 na kalamangan na siyang tumapos ng laro. 


Hindi man nakamit ng Pilipinas ang kanilang layuning makamit ang sunod-sunod na top three finishes ay magpapatuloy pa rin sila sa susunod na laban kontra Thailand, sa Sabado, Agosto 9. 


SANGGUNIAN:


(1) Isaga, J. (2025, August 8.) Alas Women fall short in late sets; Vietnam sweeps SEA V. League 2nd leg kickoff. RAPPLER. https://www.rappler.com/sports/volleyball/match-results-philippines-vietnam-sea-v-league-august-8-2025/


(2) Flores-Colina, C. (2025, August 10). Alas Pilipinas drops SEA V.League Leg 2 opener to host Vietnam. INQUIRER.net. https://sports.inquirer.net/634920/alas-pilipinas-drops-sea-v-league-leg-2-opener-to-host-vietnam


(3) One Sports. (2025, August 8.) VIETNAM vs. PHILIPPINES | FULL GAME HIGHLIGHTS | 5TH WOMEN’S SEA V.LEAGUE LEG 2 | AUGUST 8, 2025 [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=cBq6C2Ba2m

No comments:

Post a Comment