Petsang Inilathala: Setyembre 1, 2025
Oras na Inilathala: 2:20 PM
Kategorya: Tula
Paksa: Mga pagsubok ng estudyante sa gitna ng pagod
Sa bawat gabing halos wala nang tulog,
Nakikibaka sa dami ng sulat at aral.
Pikit ang mata pero pilit pa ring lumalaban,
Dahil sa isip, sayang kung lahat ay bibitawan.
Nakakapagod, paulit-ulit lang ang ikot,
Parang nakakulong sa silid ng mga tanong.
Gusto nang sumuko, gusto nang huminto,
Ngunit may boses na nag-uudyok: “Ipagpatuloy mo.”
Ang tiyan ay madalas na nananabik,
Kasabay ng utak na wari’y malulupig ng bigat.
Ngunit sa loob ko, mas nangingibabaw ang tinig ng pangarap,
At iyon ang pangarap na ayaw kong mabaon sa dilim.
Sa likod ng lahat, nariyan ang pamilya,
Sila ang dahilan kung bakit ako nagpupunyagi.
Sa bawat hikbi at pagtitiis,
Naka-ukit sa puso: “Hindi ka pwedeng sumuko.”
Oo, minsan iniisip ko, kailan matatapos?
Kailan hihinto ang unos ng gawain at pagsusulit?
Pero sa bawat luha, natutunan ko ring yakapin,
Na lahat ng hirap ay may kapalit na pag-asa.
Buhay estudyante—sugat na walang pahinga,
Ngunit sugat ding unti-unting naghihilom.
Sa hangganan ng mga gabing binabalot ng luha at puyat,
May bukas na magbubunga ng tagumpay.
No comments:
Post a Comment