Wednesday, February 4, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Discaya, umapela ng 'not guilty' plea sa graft at malversation case" ni Jhaebilyn B. Pallorina




 Disenyo ni: Erelah Janika Geniza

Inilathala ni: Shaina Pajarillo 

Petsang Inilathala: Pebrero 4, 2026

Oras na Inilathala: 10:20 AM



Nagpasok ng ‘not guilty’ plea ang kontratistang si Cezarah “Sarah” Discaya, kasama ang siyam na iba pang akusado, sa kasong graft at malversation na may kaugnayan sa umano’y ₱96.5-milyong “ghost” flood control project sa Davao Occidental ngayong Martes, Enero 13, 2026.


Sa arraignment sa Regional Trial Court Branch 27 ng Lapu-Lapu City sa Cebu, naghain ng not guilty plea sina Discaya, ang St. Timothy Construction Corp. executive Maria Roma Angeline Rimando, at walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harap ni Presiding Judge Nelson Leyco.


Si Discaya at ang kanyang mga kasama ay inakusahan ng pakikipagsabwatan para sa pagpapalabas ng ₱96.5 milyon para sa pagtatayo ng isang proyektong revetment sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, na diumano’y “hindi kailanman naisagawa.”


Matapos ang kusang pagsuko ni Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Disyembre 9, 2025, at ang kanyang paglilipat sa Mactan, Cebu upang harapin ang pormal na pagdinig sa kaso matapos mapasailalim sa kustodiya ng NBI, nagpatuloy ang legal na proseso sa korte.


Bago tuluyang umusad ang paglilitis, sinikap ng grupo ng mga akusado na muling ihain ang kanilang mga mosyon, iginiit na huli nilang natanggap ang resolusyon ng korte na nagbabasura sa kanilang mosyon na ipawalang-bisa ang kaso.


Humiling naman si Atty. Paul Sato, abogado ng mga opisyal ng DPWH, ng karagdagang panahon upang pag-aralan ang iba pang legal na opsyon na maaaring isagawa ng depensa. 


Gayunman, muling iginiit ng korte na maaari pa ring makinabang ang depensa sa mga umiiral na legal na remedyo sa kabila ng patuloy na pagdinig ng kaso.


Kasalukuyang pinag-aaralan ng defense team ang paghahain ng petisyon para sa certiorari o pag-akyat ng kaso sa mas mataas na hukuman, gayundin ang paghahain ng motion for reconsideration.


Samantala, umapela si Atty. Cornelio Samaniego III, abogado ni Rimando, para sa isang ocular inspection sa proyekto sa Davao Occidental upang mapatunayan na totoong naipatupad ang flood control project.


“The project was there, it was erected, it was built. So there’s no ghost project as alleged in the criminal information. Might as well have the ocular inspection para makita, kasi nagsasayang tayo ng oras dito kung nandoon naman talaga ang proyekto,” ani Samaniego.


Sa kabilang banda, iniutos ni Judge Leyco ang 90-araw na suspensyon ng mga opisyal ng DPWH na sangkot sa kaso, maliban sa isa na napaulat na nagretiro na sa serbisyo.


Nakatakda ang pre-trial hearing ng kaso sa Pebrero 3, 2026, alas-10 ng umaga.


MGA SANGGUNIAN:


[1] Gabinete, J. (2025, December 9). Sarah Discaya surrenders to NBI amid looming arrest warrant. PEP.ph. https://www.pep.ph/news/local/190035/sarah-discaya-surrenders-to-nbi-a734-20251209


[2] Peralta-Malonzo, T. ( 2025, December 19). Sarah Discaya now a detainee. sunstar.com.ph. https://www.sunstar.com.ph/manila/sarah-discaya-now-a-detainee


[3] Perez, A. & Andales, V. (2026, January 13). Sarah Discaya pleads 'not guilty' to graft, malversation in 'ghost project' case. ABS-CBN.https://www.abs-cbn.com/news/regions/2026/1/13/sarah-discaya-arraignment-0953?fbclid=IwdGRjcAPS0RtjbGNrA9LQomV4dG4DYWVtAjExAHNydGMGYXBwX2lkDDM1MDY4NTUzMTcyOAABHkRCr1Yn5j7POq6wiU3zpIUirQBRVhcFljoNYY6tJU2fb7bQ-INtmETgmrWi_aem_Ijdum9FbRVmOE0VImM4nJg


[4] Cordova, C. (2026, January 13). Sarah Discaya pleads not guilty to graft, malversation raps. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2026/01/13/sarah-discaya-pleads-not-guilty-to-graft-malversation-raps

No comments:

Post a Comment