Thursday, February 5, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "RTC Laguna, naglabas ng Warrant of Arrest laban kay Atong Ang” ni Bridget Berin




Inilathala ni: Shaina Pajarillo 

Petsang Inilathala: Pebrero 5, 2026

Oras na Inilathala: 7:22 AM


 Naglabas ang Regional Trial Court Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna noong Miyerkules, ika-14 ng Enero ng warrant of arrest laban kay Charlie “Atong” Ang at 17 iba pa dahil sa kidnapping with homicide at serious illegal detention kaugnay ng kaso ng missing sabungeros, na walang posibilidad ng bail.


Ayon sa opisyal na pahayag mula kay Philippine National Police (PNP) acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., sinisimulan na ang implementasyon ng warrant of arrest at paghahanda ng mga tauhan at koordinasyon sa iba pang lokal na yunit ng mga polisya, habang sinusubaybayan ang posibleng lokasyon ni Ang at iba pang akusado. 


“Ang pagpapatupad ng warrant of arrest ay sumusunod sa itinatakdang proseso, at lahat ng kasali sa operasyon mula sa PNP ay obligadong sumunod. Titiyakin nila na maayos itong maisasakatuparan,” dagdag ni Nartatez. 


Samantala, ang Department of Justice (DOJ) ay matagal nang naghain ng mga reklamo laban kay Ang at ang iba pang akusado noon Disyembre 2025 matapos makumpirma na may sapat na ebidensya upang ituloy ang kaso. 


Nananatiling at-large o hindi pa nahuhuli si Atong Ang, habang ang 15 sa 18 na iba pang akusadong kaugnay ng kaso ay nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.


MGA SANGGUNIAN:


Untalan, S. (2026, January 14). Arrest warrant issued vs. Atong Ang, 17 others for kidnapping homicide. GMA NEWS https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/972765/arrest-warrant-issued-vs-atong-ang-17-others-for-kidnapping-with-homicide-no-bail-set/story/


Rita, J. (2026, January 14). PNP starts implementing arrest warrant vs. Atong Ang, others. GMA NEWS https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/972794/atong-ang-missing-sabungeros-pnp-arrest-warrant/story/


Laqui, I. (2026, January 14). Atong Ang's 17 co-accused now in police custody. Philstar https://www.philstar.com/headlines/2026/01/14/2500964/atong-angs-17-co-accused-now-police-custody

No comments:

Post a Comment